Kris Aquino, biglang nag-iba ng ihip ng hangin

Kris-AquinoAT AGE 43, may realization na yata na dumating kay Kris Aquino. Pangako niya sa kanyang sarili na natutunan niya, ang pananahimik niya ang siyang magbibigay sa kanyang ng kasiyahan sa buhay.

Tama! Swak ang statement ni Kris sa nakaraan niyang kaarawan noong nakaraang Biyernes, Araw ng mga Puso.

Sa kanyang Instagram account, nag-post siya na she wants to be happy na, na kami rin ay sang-ayon.

Sa nakaraang kaarawan ng ex-husband niyang si James Yap noong Sabado (February 15) nag-post ng photo si Kris sa Instagram account niya na sakay ng motorskilo at nakaangkas sa harap ni James si Bimby habang si Kuya Josh ay nakasampa sa likuran with a short message sa milyun-milyon niyang IG followers stating: “Happy Birthday James. Peace, harmony & God’s blessings to you… I am a Mom who has learned to set aside past hurts & I’ve learned how to move on with God’s grace because I want my sons to be well adjusted & positive. And that starts with my example.”

Positibo ang reaksyon ng mga followers niya. Majority ay natuwa dahil at last (kahit kami) ay naramdaman namin ang sincerity ni Tetay na sa kanyang edad ngayon, dapat nga ngang mag-iba ang ihip ng hangin.

Ang katahimikan sa buhay na matagal na niyang hinahangad ay maisasakatuparan kung sa kanya magsisimula ang positibong  pagtangap sa nakaraan.

Now, tama na marahil ang bangayan. Stop na ang pagsisiwalat sa media at sa mga kaibigang showbiz niya ng kung anuman ang personal niyang nararamdaman para hindi na ito lumaki.

Sa edad niya, kung pangkaraniwang tao lang siguro si Tetay o sabihin na natin na kahit sikat man siya pero ang pananaw niya sa buhay ay may kasimplehan, marahil matagal na niyang nakamit ang katahimikan at kasiyahan na matagal na niyang hinahanap.

Sabi nga ng mga kaibigan namin na non-showbiz, one reason kung bakit walang relasyon na nagtatagal si Kris ay dahil siya si Kris Aquino. Kahit ano man ang gawin niya, nagiging Kris Aquino pa rin siya kahit gusto niya maging pangkaraniwan na nagmamahal, nag-aalaga.

Kung sa pagsasama nila ng ka-partner niya ay magiging isang simple at gampanan niya ang role bilang misis, asawa at katuwang sa buhay, marahil may relasyon siyang magtatagal.

“Dominante kasi ang karakter niya. Kahit sinong lalaki, aayaw sa kanya kahit gusto siyang mahalin dahil sa nakikita ng publiko, what Kris wants, ay nakukuha niya. Kung ang magiging role ni Kris sa relasyon niya ay siya ang gaganap bilang babae, girlfriend o misis, marahil matagal na siyang masaya at may lovelife. Siguro, si James Yap pa rin ang mister niya at hindi sila nagkahiwalay.

Sana, may pagbabago. Sana sa mga susunod na mga panahon, wala na tayo maririnig na mga kuwentong personal sa buhay ni Tetay (‘yong isyung personal na hindi na naise-share sa media at sa showbiz) na nagiging tampulan ng kuwentuhan, tsismis at topic para sa opinion ng bayan.

We want you Kris to be happy! ‘Yong totoong happiness ay ma-achieve mo na sa buhay.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino, biglang nag-iba ng ihip ng hangin

Leave a Reply

Your email address will not be published.