Kris Aquino, bangungot pa rin ang pakikipaghiwalay kay James Yap?!

SOBRA LANG happy si Kris Aquino sa sitwasyon nga-yon, na habang lumalaki na si Bimby na nagiging guwapo ay nasa kanya talaga ang atensiyon ng bagets kaya laging nagmamaktol kapag ang kanyang mommy ay inili-link sa ibang lalaki.  Ayaw ni Bimby talaga na dahil nasa showbiz ang kanyang mommy ay ang dami-daming pinag-uusapan tungkol sa posibilidad na ang host ng Kris TV ng ABS-CBN ay magkaroon ng bagong karelasyon sa mga panahong ito.

Hindi naman bato ang puso ni Kris para hindi ulit magmahal, dahil ang dami-dami namang lalaki na nagpaparamdam sa kanya na kung ready na ulit siyang magmahal ay nariyan lang sila. Pero hindi rin naman mala-king problema para kay Tetay na ngayon ay umaayaw pa si Bimby na maki-pagrelasyon siya. Ilang taon lang, maiintindihan na rin ng bagets na kailangan din naman ng kanyang mommy ng pagmamahal mula sa isang karelasyon.

Ayaw na lang din kasing magsalita ni Kris kung bakit sobra na siyang nag-iingat ngayon na ma-in love, lalo pa’t ang mas marami talagang lalaki na gustong mapalapit sa kanya ay mas bata talaga kesa sa kanya ang edad. Pinaninindigan pa rin kasi ni Kris ang nauna niyang sinabi na hangga’t maaari ay ayaw na niyang maki-pagrelasyon sa isang lalaking mas bata kesa sa kanya. Pero duda naman ng marami ay hindi rin kaagad magmahal si Kris sa ngayon dahil bangu-

ngot pa rin talaga para sa maga-ling na TV host ang kuwento ng hiwalayan nila ni James Yap.

 

MAGANDA ANG samahan ng mga artista sa Kapamil-ya Network, kaya mararamdaman mo na may respeto sila kay Piolo Pascual kapag sinasabing ang susunod na sikat sa bakuran ng ABS-CBN ay siya ang papalit sa trono ni Piolo. Maraming sikat ang nagbibigay ng respeto at tumatangging sila na nga ang kapalit sa kasikatan ng isa sa pinakaguwapong actor ng showbiz. Isa na si John Lloyd Cruz sa walang pakialam sa isyung nagsasabing siya na ang pumalit sa kasikatan ni Papa P.

Maganda kasi ang simula ng showbiz career ni John Lloyd. Nagsimula siya sa pagiging bagets, na nahirapan din bago mapansin, dahil bata pa nu’ng mga panahong ang dami-dami nilang nagpapapansin para sumikat sa pamamagitan ng pagpapa-cute.

“Para kasi sa akin, pinagsikapan kasi ng bawat isa sa field na ito ‘yung kung saan man sila nakarating. ‘Yung sa akin kasi, sobrang pasasalamat ‘yung ano ko, dahil kung nasaan ako ngayon ay iyon ang bumago sa takbo ng buhay ko,” wika ni Lloydie.

Hindi sakim si John Lloyd sa kasikatan. Hindi siya nananapak ng karapatan ng iba. Pero pagkatapos talaga ng kasikatan ni Piolo, wala nang iba pang puwedeng sabihing mabango ang pangalan sa bakuran ng Dos kundi si Lloydie. Halatang nagkakaedad na si Piolo, dahil na rin siguro sa pressure na kanyang nararanasan sa dami ng intrigang kanyang pinagdaraanan. Pero si Lloydie, sa presscon ng pelikulang It Takes A Man And A Woman ng Star Cinema ay fresh na fresh pa rin ang dating ng kaguwapuhan, kaya talagang magtatagal pa ang kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.