Kris Aquino, bagong hair look, bagong out-look?

1 Kris-AquinoFOR ALMOST a week, nanahimik ang kuwadra ni Kris Aquino. In short, patay, walang kuwento, except siguro sa family dinner na inihanda niya sa bago niyang bahay na at the same time ay pa-dinner birthday party niya para sa anak niyang si Bimby.

Sa kanyang Instagram Account, nag-post si Tetay na ang magaling na chef na palagian niyang guest sa kanyang Kris TV na si Chef Florabel ang siyang nag-asikaso sa menu. Na-post din si Tetay ng picture ng celebrant na si Bimby with his Kuya Pnoy as special guest. Very intimate ang dinner ayon sa mga maliliit na detalye na nakalagay o caption kasama ng mga litrato sa Instagram.

Pero hindi ko yata napansin na may update tungkol sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Sa Easter dinner na inihanda ni Tetay, wala akong nakita sa social media na may posting siya ng dinner photos (like before) na kasama nila si Mayor. Matapos kasing pagpistahan ng press at social media spectators ang sinisimulang “lovelife” niya with Mayor Bistek, hindi naman siya tinantanan sa kaliwa’t kanang batikos na ang lalaking ibinabandera na mahal niya at nakikipag-relasyon sa kanya ay commited pa sa current partner niya si Ms. Tates Gana.

Maging ang dalawang anak nina Mayor Bistek at Ms. Tates, naapektuhan sa pag-o-open up ni Kris in public ng sinisimulang nilang “relasyon” ni Mayor Bistek.

Kaliwa’t kanan ang naging opinion ng publiko. Negative ang feedback sa social media lalo pa’t may mga bata na nasasaktan.

Kaya siguro nitong nagdaang Semana Santa, walang palipad-hangin si Tetay tungkol sa kanila ni Mayor Herbert. Mula sa kampo niya, tahimik. Kumbaga, walang imik si Kris na dati-rati’y siya mismo ang buma-bandera ng kanyang bawat kembot at utot.

Siguro napagsabihan ng mga ate at Kuya PNoy niya sa ginawang pagbubulgar ng kanyang supposed to be lovelife with Mayor Bistek na ayaw naman yatang magsalita at panindigan.

Mula nang mag-react kasi ang mga anak ni Mayor Bistek at Ms. Tates, negatibo ang reaksyon ng publiko. Lalo na sa mga tao na ang pamantayan ng isang magandang relasyon ay ang pakikipagrelasyon na wala kang tinapakan. Pagsasama na hindi mo sinira.

I just wonder kung ano ang kuwento ni Mayor Bistek kay Kris tungkol kay Ms. Tates. Hindi ko rin alam kung as a typical “chickboy” ni Mayor Bistek ay iba ang kuwento niya kay Kris tungkol sa current partner niya .

Puwede rin kasi na in real ay wala na sina Mayor Bistek at Ms. Tates na hindi na lang ipinaalam sa mga anak nila na ang pagde-deklara naman ni Kris ng tungkol sa kanila ni Mayor Herbert in public ay ikinagulat ng mga bata.

Sa bandang huli, may sinseridad man ang nasimulang “romance” ng dalawa, naging pangit ang kinalabasan.

I am sure, kulang sa pakikipag-usap ang dalawa kung ano ang gagawin nila sa kanilang so-called romance na ang ending, si Kris ang napahamak at ‘di si Mayor Bistek na bilang isang lalaki puwedeng deadma na lang sa reaksyon ng publiko kahit sabihin man na wala na si ni Ms. Tates and he is free to love again.

At ang latest kay Tetay sa Instagram ay nakunan ng picture si Kris in a yellow outfit na nagte-text habang nagmi-misa na may kasamang caption ang picture na: “We have cellphone jammers (an equipment na kadalasang ikinakabit sa isang venue para hindi makapasok ang mga messages or makapag-send ng messages sa mobile phones para walang interference sa audio signal at ingay) in the Cubao Cathedral to avoid scenes like this during mass!”

May nag-comment sa posting na kung puwede maging role model si Kris sa mga kabataan (with matching PLS) na pakiusap ng isang nagbigay ng kanyang komento.

Pero nagulat kami sa napanood namin na bagong Kris last Monday evening sa Aquino and Abunda Tonight kung saan nagpagupit siya with a very short and sexy hairstyle sa shop ng kilalang si Jing Monis noong araw na ‘yun.

Sa mga babae na nagke-keri ng new hairstyle na hindi naman nila nakasanayan at bago para sa kanila, may mensaheng gustonilang itawid.

With a hastag na #renewedhope sa kanyang IG posting ng picture niya with her new look, may mensahe na gustong iparating si Tetay sa kanyang mga supporters, bashers and all. She’s hoping against hope kaya? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

12 thoughts on “Kris Aquino, bagong hair look, bagong out-look?

  1. Ewan ko ba sa babaeng ito. Wala namang naidudulot sa ekonomiya ng bansa ang mga pinagsasabi niya.

    • In my opinion, I think she does, her show promotes tourism in the philippines because it is filmed outdoors and different places in the Philippines are shown and balikbayans are flocking to these places they’ve never known existed until they watched Kristv. She has also sponsored to educate more than a hundred very poor children and some of them are already done and now they are productive citizens and that’s good for our society because then they can help their family and it’s now less mouth to feed by our gov’t. She is also a very well known product endorser and people support her endorsers and so these companies keep manufacturing thus giving people jobs to manufacture their product. It may seem like a small contribution to our economy but it is definitely a good contribution. If each rich family in the Philippines will sponsor education a at least 2 or 3 children, I think there will be less beggars down there. Also, those couples with no jobs who keep on bringing a dozen of kids to this world , are not helping our economy, more mouths to feed by our government. Just my opinion.

      • nyahahahahah abay yan ang malaking tanong sa Kuya niya dahil magtatapos na ang termino ng partidong dilawan ala pa ring nangyayari sa bansa natin hahahhaha lalong lumalala ang krimen,,,lalong nagtatasan ang mga bilihin , ( bigas ngayon 40 pesos na ang Bigas Ta0 yung 30 to 35 pang Bigas Preso hahaha ) may pag uusig nga sa mga korap,,hahaha hindi naman kasama yung mga ka Dilawan niya ‘ kalaban lang sa politika ang tinatarget ala..bagsak pa rin dito,,,hahahah ni wala ngang Jobs dito hahaha lalo na sa manufacturing hhahaha meron call center agent bwahahaha hoy Blind Fantard esep esep ka nga kung maunlad na tayo sabi dati ni Pnoy, mag a abroad ka pa ba? hahahahha

      • So you mean those products that Kris promotes are not made in the Philippines? How about the magic sarap? Don’t tell me they are made in Japan or the owners are the only ones who are making them, they would have to hire people to make them by the thousands a day. Torpe ka talaga. How can the Philippines get out of the bad economy when the people are not cooperative and the country have the highest corrupt people in the whole world? It’s not just the President hoy Kristd, the economy has a big part to it, even here in the US, the recession is horrible, sa Pinas pa kaya na considered 3rd world country? Isip isip naman please.

      • Kris endorses big corporations in the Philippines and those corporations employ thousands of people to make their product. The CEOs of those companies will surely not do the manufacturing themselves and I’m sure their products are made in the Philippines, so in a way Kris is contributing to our economy by helping the companies so those companies can continue to provide jobs to the people. Of course there are not a lot of jobs in the Philippines but I was talking earlier about Kris Aquino’s contribution to our economy that most people can’t visualize and that’s the reason why I’m here in the US because of work issues and my being here in the US including all the other OFWs like me are a big help to our economy because our dollar are sent to the Philippines to help our family. Are you blind Kristd that you cannot even visualize this? Oh my oh my haahahahaha

      • And KrisTD, our government is not the only problem, the people who have no jobs and keep on giving birth to 12 children also contribute to our bad economy because now they are additional mouth to feed, lots of kids on the streets begging, snatching and they should be in school, kaya huwag government lang ang e blame mo dahil some people in the country are also feeding more problems to our bad economy.

      • Hoy KrisTD my coming here in the US helps our economy, I pay more taxes than if I would have just earned in peso. So my taxes is a big help. Now let me ask you Kristd, what is your contribution to our economy? hahahahahahaha. At least even when I’m always surfing the net, I’m paid in dollars maski hind naman kataasan but it is still in dollars, still higher than peso at nakatuling rin yon maski maliit lang. O ikaw,? Kaya ba nandito ka palagi sa internet because you are jobless dahil sabi mo e walang trabaho sa Pinas hahahahahaha.

      • Hoy Kristd tumahimik ka nga, Philippines is not the only country that is experiencing hard times, even the US that is considered a super power country is in having a hard time as well. Even here in Arizona, the housing market crashed big time, Nevada and Arizona are the most affected in the US because of the economy, ang Pinas pa kaya ang hindi ma apektuhan na 3rd world country ito?

      • KrisTD maybe you can make a difference for our country, you get out there and do something, be productive and stop bashing here in the net, it’s leading you nowhere. People are intelligent and they know who to believe, not all people are dumb you know.

  2. Hay nku ano PABA ang bago as super daldal na babaitang yan nadi mapigilan any pgputak….nung una gusto daw nya na maging discreet at sekreto muna love life nya hnggng dip a tlaga sure o matagal na cla ng mgiging next bf nya…Pero as show nya e za mismo any dakdak ng. Dakdak about as new man on her life saw….hnggng as I reveal nanga nyng c bistek ng a….pero Ayan dipaman purnada na kc my sabit nman na tlaga Yang c bistek na binobola-bola lnza…

  3. Mukhang di nga sya good vibes nowadays… mainit yata ang ulo! Aba nag comment lang ako na di bagay ang new hair nya dahil nagmukha syang matured… aba block agad ako eh I said it naman in a nice way. Palagay ko umatras na si Mayor HB.

  4. Pingback: Kris Aquino, bagong hair look, bagong out-look? - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.