Kris Aquino, ayaw nang maging issue ang ‘offer’ kay Joey de Leon!

INISTORBO KO ANG Queen of All Media na host ng The Buzz at SNN (Showbiz News Ngayon) sa pagbabalik nito sa taping ng kanyang Kung Tayo’y Magkakalayo.

Tungkol sa naging iba-ibang dating o reaksiyon sa balitang nag-offer siya na ma-appoint sa OMB (Optical Media Board) ang host at comedian at multi-talented artist din na si Joey de Leon.

“Yes, Tita Pilar, it’s true! I asked him if he wanted OMB since he was openly supportive of Noy (Benigno Aquino III). When I called to say thank you for our family, I asked if he was interested in an appointed position like OMB.”

At tinanong ko rin kung ano naman ang naging sagot sa kanya ni Tito Joey.

“Tita Pilar, he said that he was best as an observer and cheerleader, not an appointee. I super prefer na hindi gawing issue ito. Matters relating to government appointments are always sensitive and of course when related to our industry, my opinion is asked.”

Malinaw na ang kay Kris ay pagmamagandang-loob.

‘Eto, opinyon ko na. Nakakatawa talaga tayo. Everytime na may mga kumakandidato kahit na ano pang posisyon ito, ang una-una nating tinatanong na nasa showbiz o entertainment industry eh, kung ano ang magagawa ng mga kandidatong ito for our industry.

Ngayong merong nag-o-offer para rin naman sa isang taga-industriya na alam din naman nating may kapasidad at may magagawa kung sakaling tanggapin niya, ‘eto na naman at ratsada na naman ang ilan sa atin sa pamumuna at pang-ookray, sa isang malisyosong pananaw.

Bakit? Kasi, si Kris Aquino ang nag-offer.

Hay…

MARAMI ANG NAAALIW kay KC Concepcion sa bagong pang-umagang programa nito sa ABS-CBN, sa Simply KC.

And if there is one person na talagang natutuwa sa pagkakaroon ni KC ng bagong programa, bukod sa kanyang Megastar Mom na si Sharon Cuneta na ganitong klase talaga ng programa ang inaasam sa kanya para magamit talaga ang kaalaman niya sa hosting, ‘yun eh, walang iba kundi ang masasabing ‘coach’ ni KC sa world of talk na si Boy Abunda.

Sabi ni Kuya Boy, interested and interesting daw kasi si KC sa lahat ng ginagawa nito. Kaya hindi rin mahirap na i-guide. Lumalabas pa rin ang pagka-natural sa maraming pagkakataon.

At ngayon pa lang, marami nang napupulot na quotable quotes mula sa dalaga, ha?

Gaya ng sabihin nito kay Robin Padilla na, “Muntik na kitang maging tatay, Tito!”

At ang openly pagsasabing sa lahat ng naging boyfriends ng Mama niya, ito ang pinaka-crush niya.

Eh, kung magsasama siguro sa isang proyekto ang mag-ina, magandang si idol Binoe ang maging leading man nila!

What d’ya think?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleJC Tiuseco, dahilan ng away nina Maxene Magalona at Pauleen Luna?!
Next articleKampo ni Jhake Vargas, idedemanda ang direktor na nambastos sa bata?

No posts to display