Kris Aquino at Vic Sotto, itinangging nagkaroon ng relasyon

Vic-Sotto-Kris-Aquino“HINDI NAGING kami! “ang namutawi sa bibig nina Kris Aquino at Vic Sotto sa Grand Presscon ng kanilang pelikulang pinagsasamahan hindi lang bilang actors kundi Producers, ang My Little Bossings.

Kuwento nga ni Bossing, “Kris and I have been friends for a very, very long time! Ke nag-uusap kami o hindi. Ke nagkikita kami o hindi, it doesn’t really matter. Parang it’s really nice working with her again. Not only as co-actor but also as co-producer. She learns fast, eh. Madali siyang matuto and marami siyang magagandang ideas na she throws in a production, sa script, lahat! Sa promo. Sa lahat! ‘Yung friendship namin is way beyond producing or acting. It’s more than that, kami na lang ang nagkakaintindihan.”

Wala Raw talagang namuong romansa between them noong mga time na nagkasama sila sa pelikulang My Funny Valentines nu’ng 1992. Mas naging close lang daw sila bilang magkaibigan.

Bukod kina Kris at Bossing, kasama rin sa said film sina Bimby Aquino Yap, Ryzza Mae Dizon, Aiza Seguerra, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, Neil Coleta at Jose Manalo.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.