KRIS AQUINO AT TED FAILON, TWO MONTHS NANG MAGSYOTA?!

GALIT NA GALIT si Illac Diaz kay Angelica Jones dahil hindi raw nito inilagay sa tama ang donasyon nilang bottled school para sa mga urban poor ng Laguna. “Actually, ang sabi ko lang naman ay ilabas niya ang mga resibo nang mga pinagkagastusan, kasi wala silang mailabas,” pahayag ng pamangkin ni Gloria Diaz.

Pero sinabi ni Illac na hindi totoong nakipagsabunutan si Angelica sa isang nagngangalang Celia Lopez. “Ang totoo, ako ang sinaktan ng mag-inang ‘yan, hindi ko lang sila pinatulan dahil hindi ako pumapatol sa mga taong hindi ko naman dapat pag-ukulan ng panahon.

“Ang gusto ko lang talaga dito, makuha ang resibo at malaman ko kung saan nila dinala ang pera, kasi nakaka-1.5 million pesos na sila, pero sa lahat ng mga nakatrabaho ko, bukod tanging si Angelica lang ang hindi nagpakita ng resibo.

“Ang resibong ibinibigay niya, ‘yung pinagbayaran nila ng Meralco, cellphone bill nila, at kung anu-ano pa na hindi naman sakop ng project,” paliwanag ni Illac.

Nilinaw rin nito na walang katotohanan ang balitang niligawan niya si Angelica. May mga naglabasan pang balita na muntik nang magsabunutan sina Julia Clarete at Angelica. “Almost one year na kami ni Julia at siya ang girlfriend ko. Kung iniisip ni Angelica na kami, hindi ko alam kung bakit iniisip niya iyon!” tumatawang sabi pa ng aming kausap.

Sa kabuuan, sinabi ni Ilac na ayaw niyang humantong sa demandahan ang problema, pero kung ‘yon ang makakabuti, ‘yon daw ang tanging paraan na kanyang gagawin.

IBA’T-IBANG TALENTS ANG ginawa ng mga champion sa Talentadong Pinoy. Walang itulak-kabigin sa mga contestants at lahat ay qualified na maging grand winner sa kani-lang mga talent.

Nu’ng Sabado, dapat ay live na isi-shoot ang Talentadong Pinoy, pero dahil laging overtime ang programa ni Willie Revillame, mas minabuti na maagang mag-taping.

“Kasi kung aantayin pa naming matapos ang Willing Willie, baka alas-tres na nang madaling-araw ay hindi pa kami tapos!” sabi ng isang staff.

Habang isinusulat namin ang kolum na ito, tiyak nang may nanalo.

HINDI DUMATING SI Derek Ramsay sa show ng Habitat na ginawa sa Glorietta 5 nu’ng Sabado dahil may commitment ito sa Cebu, kaya nadismaya ang ilang kasamahan natin sa hanap-buhay.

Mula kasi nang magsalita si Angelica Panganiban na mag-dedemanda siya sa ‘hater’ niya sa Twitter, hindi na nagbigay pa ng komento si Derek tungkol dito. Ang katwiran ng binata, ayaw niyang makialam sa nasabing usapin.

Maraming TV crew ang nagpunta sa Habitat para ma-interview sana si Derek, pero bukod sa wala na si Derek, maging si Kris Aquino ay hindi rin nagpaunlak na makipag-usap sa media.

Pero, teka, how true na two months nang mag-on sina Tetay at Ted Failon?

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “KRIS AQUINO AT TED FAILON, TWO MONTHS NANG MAGSYOTA?!

  1. bagay sina kris aquino & ted failon dahil pareho silang matalino ….

    sawk naman sina james yap & isabel oli parehong silang promdi & boplaks

    • Parang may natandaan akong article na blind item noon na girlfriend daw ni Paolo Contis na "belmoko ang palayaw" kasi palagi daw nagpa bili ng mga mamahalin na bagay at may isang nag comment na si Isabel Oli daw iyon kaya daw nagkahiwalay sila ni Paolo noon. Totoo ba ito? Anybody knows? Salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.