Kris Aquino at Robin Padilla, paghahatian ang time slot ng Wowowee?!

IN TWENTY YEARS in showbiz, ngayon lang nangyari na ang mga “fans” na ngayon ay road manager ng mga artista ang higit na “makapangyarihan” sa mga celebrities at mga manager nito.

Hindi namin nilalahat pero karamihan sa mga road manager ay bastos at feeling sikat na animo ang mga reporter kung “tingnan” nila ay kriminal na anytime ay ia-assassin ang kanilang mga alaga.

Dapat sigurong pagsabihan ang mga road manager na ito na huwag silang bastos. Kung wala kaya ang media, sa palagay nila may artista sila ngayong poprotektahan?

May mga road manager kaming kilala na mabait at marunong makibagay dahil sila ‘yung mga propesyunal, nakapag-aral at hindi tulad ng iba na mula sa pagiging fans na hanggang ngayon ay may fan mentality pa rin, huh!

FEELING DIOSA NGAYON si Kris Aquino dahil kung noon ay siya ang gumagawa ng paraan para maayos ang pamilya nila ni James Yap, ngayon si James ang nagdudugtong sa tulay para muli silang magkabalikan.

Hindi man nagsalita si James nang kausapin namin siya sa Ninoy Aquino Stadium kamakailan, isa naman sa kaibigan niya ang nabulong sa amin na apektado ang basketball player sa paghihiwalay nila ni Kris.

Totoo pala ang balitang muling nililigawan ni James si Kris. Hindi man nagpapadala ng chocolate and roses si James ay dinadaan naman nito sa mga sweet masages ang taklesang aktres, bagay na nagpapalambot sa puso ni Kris.

“Anytime, magkakabalikan uli si James at Kris. Kasi hindi na galit si Kris kay James, unlike before na mabanggit lang ang pangalan ni James, naiimbiyerna na si Kris,” pahayag ng aming source.

OBVIOUS NA GIMIK lang ang away nina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto dahil after mag-airing ang Magkaribal nina Gretchen, Bea alonzo at Derek Ramsay ay tapos na rin ang isyu.

Sa kabilang banda, nakatanggap kami ng balita mula sa Africa, kung saan ay mariing itinanggi nina Angelica at Derek na nagpakasal na sila sa nasabing bansa. Ayon sa mag-siyota, masaya at ini-enjoy nila ang isa’t isa.

“Next week na ang balik nila,” say ng aming kausap na nagsabing medyo tumaba raw ngayon ang aktres kung ikukumpara nang umalis ito ng bansa noong first week ng June.

KUMPIRMADONG PAGHAHATIAN NINA Robin Padilla at Kris Aquino ang time slot ng Wowowee. Ito ay base sa ating source na nagsabing matagal na raw talagang napaghandaan ng Dos ang pagiging “maldito” ni Willie Revillme.

“Sana inisip ni Willie na talent lang siya at hindi siya ang may-ari ng Dos na anytime ay puwede siyang mawala sa kanyang programa,” say ng aming source na nagsabi pa ring napatunayan ng Dos na kahit wala si Willie sa Wowowee ay nanatiling mataas ang ratings ng nasabing programa.

SPEAKING OF RATINGS, aba dapat lang na mabahala talaga ang Siyete sa Dos, dahil patuloy na nangunguna ang mga programa ng sarimanok network. Pero teka, how true na ang Dos at Siyete ay insecure sa Channel 5? Humpt!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “Kris Aquino at Robin Padilla, paghahatian ang time slot ng Wowowee?!

  1. DAPAT IBOYCOTT YANG WILLIE DEVILLAME NA YAN PARA MAGTANDA ,CHANNEL 7 AT CHANNEL 5 HWAG NYONG KUNIN YAN PARA MADALA PURO KAYABANGAN.AYAN ANO NA MANGYAYARI SA WILTOWER MO ,AYAN NAKARMA KA ,IPAGIBA MO NA TANIMAN MO NA LANG NG KANGKONG!!DAPAT MGA GANYANG TALENT BIGYAN NG LESSON PARA HINDI GAYAHIN NG IBA AT PARA MGA ARTISTA MATUTONG MAGPAKUMBABA.WILLIE ,NAGSAWA NA SAYO ANG DIYOS DAHIL HINDI MO GINAMIT SA MABUTI ANG GRASYA NA BINIGAY SA YO PURO SA KAYABANGAN MO !BUTI NGA SA YO!

  2. naku, talagang pana-panahon lang talaga yan. at natapos na ang panahon ni willie revillame. katulad nang natapos na ang panahon ni gloria arroyo at mga ampatuan. sana napaghandaan ni willie ang pagdating ng panahon na katulad nito. o sino pa ngayon ang pagyayabangan nya? eh, mga katulad pa naman nya e nagkakarun lang ng maraming kaibigan kung meron ‘trono’ e ngayon wala na syang paglagyan. ayaw ni president noynoy ng mga naghahari-harian. ‘wawang wilie revillame.

  3. SANA HUWAG NG IBALIK ANG HAMBOG NA GURANG LOOKING NA WILLIE PARANG AWA NA NINYO CHANNEL 2 AT SANA HUWAG NA SIYANG KUNIN NG 7 at 5 DAHIL MARAMI NG TAONG NAKALIMUTAN NA SIYA AT POOT NA POOT SA KAYABANGAN NIYA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.