Kris Aquino at QC Mayor Herbert Bautista, nagkabalikan na?!

QC Mayor Herbert Bautista and Kris Aquino with friends

ANG LAST STORY on Kris Aquino na naging super viral online ay ang ginawang panloloko sa kanya ng isang pinagkakatiwalaan niya na humawak ng isa sa mga negosyo niya almost two weeks ago na ikinawindang niya na lalo nakaapekto sa kanyang kalusugan, reason kung bakit pumunta ito sa Singapore para ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot.

Only last night, Sunday, sa isang IG account, nag-share ang Queen of All Media ng photo having dinner with rumored suitor (nasa ligawan stage pa rin ba sila or nagkabalikan na?) or boyfie na si Quezon City Mayor Herbert Bautista with 2 friends from the US.

Sa isang resto sa Podium nag-dinner sila kung saan earlier nagtungo si Mayor Bistek at sinundo si Tetay kasama ang dalawang kaibigan.

Si Kris na hindi maramot sa kanyang mga fans at supporters have this “positive” thing to share.

Sa kanyang post, isinulat niya:” Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END. He’s been there whenever I needed a friend, hindi na ko nagulat- nandito sya ngayon… Bakit sya?

“This is my WHY: nabasa nya mismo my long-term endorsement contracts- renewals plus 3 new ones. They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities.

“Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter &

1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?

“Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging ka relasyon kasi

pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin? I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. i’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH. “

Pagse-share ni Kris na info sa kanila ni Mayor na lahat ng mga pino-post niya online ay ipinapakita muna niya sa kanyang “partner” and with approval.

Nagkabalikan na nga ba sina Kris at Mayor Bistek?

Hmmm…. For sure!

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.