Kris Aquino at James Yap, hiwalay na?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! HAPPY New Year sa lahat ng avid readers Pinoy Parazzi at Happy Three Kings na rin. O, ‘di ba? Bonggang-bongga!

Pero kahit kapapasok lang ng bagong taon, hindi tayo pahuhuli sa mga nagpuputukang chika. How true kaya ang chikka na hiwalay na nga raw ang mag-asawang Kris Aquino at basketbolistang si James Yap, huh!

Naku, ha? Kapapasok lang ng 2010, ito na agad ang bonggang pagsalubong! Tsk, tsk, tsk!

Matagal na nga raw hiwalay ang mag-asawa, ngunit inililihim ng mga hitad ang kanilang hiwalayan dahil ayaw nilang maapektuhan ang pagtakbo ng kapatid ni Kris na si Noynoy, at ipinapakita sa mga tao na nagsasama pa ang mga ito at okey na okey sila.

Nakikiusap daw ang tatlong kapatid na babae ni Kris at ng kapatid na senador na kung maaari ay magsama sila, huh!

Nagsimula raw ang hiwalan nila nu’ng matapos mamatay ang ina nitong si dating Pangulong Cory Aquino. Dahil ayaw raw isipin ni Kris ang namayapang ina, minabuti raw nitong maging busy sa trabaho.

Kaya kung anu-ano na lang daw ang ginagawa nito. Minsan daw ay sa taping at sa commercial ito nagbababad, basta hindi lang maisip ang namayapang ina, kaya napabayaan na diumano nito ang obligasyon sa asawa nitong si James, kaya ayun, naghanap daw ito ng mas bata pa sa magaling na TV host. Naku, ha?!

Ang isa pang nakaloloka ay alam din daw ito ng mga kasamahan ni James sa basketball na may kinalolokohan itong babae. Ngunit itinatago lang daw ng mga ito o inililihim kay Kris. Tsk, tsk, tsk!

Kaya ngayon, nanganganib din daw ang kandidatura ng kapatid na lalaki ni Kris, dahil ang kasiraan ni kris ay kasiraan din daw ng kapatid nitong si Noynoy.

Nakakaloka naman ito! Naku, Kris, ano naman ang masasabi mo sa chikka na ito? Naku, ha?! ‘Yun na!

GOODBYE KIM CHIU raw ngayong 2010 ang guwapong batang aktor na si Gerald Anderson, dahil may bagong pinagkakaabalahan ang batang ito at nagustuhan daw ni Gerald na makasama kaysa sa ka-loveteam na si Kim. Hmmm…

Si Gerald pala ang bagong endorser ng tumatakbong mayor ng Quezon City na si Mike Defensor, at ito raw ang pinag-uukulan ng oras ng batang aktor, dahil ayaw raw nitong mapahiya kay Mike. Nakakaloka naman ito!

Buong-buo raw ang suporta ni Gerald kay Mike, at hindi lang pala si Gerald kundi halos karamihan ng artista ay boboto kay Mike. ‘Yan ang aking napag-alaman. Naku, ha!

May dagdag pang chikka ang aking parazzi girl. Kaya pala halos karamihan ng artista ay boboto kay Mike dahil sa tagal na raw na nanilbihan si Vice-Mayor Herbert Baustista sa lungsod, wala raw itong nagawa, lalo na sa mga kapwa-artista rin daw. Naku, ha? Ano ba ‘yan? Nalurke akong bigla roon. Hahaha!

Ano naman kaya ang masasabi ni Aiko Melendez na siyang vice-mayor ni Mike Defensor? Dahil pati ang aking twin sister na si Aiko, pilit din silang pinag-aaway ni Bistek. Nakakaloka talaga ang politika, ha? ‘Yun na!

KUNG SA KAPAPASOK lang ng 2010 ay puro intriga na ang sumalubong at pumutok, gusto ko ring ipagsigawan sa mundo na bago pa lang matapos ang 2009, nagkabati na po kami ng TV host na si Willie Revillame. At sa kanyang programa pa nga sa telebisyon ay siya ang bumati sa akin. Dahil maluwag sa puso ang magkabati lahat. Naku, ha? ‘Yun na! At sa darating na January 6, abangan kami ni Pokwang sa Quiapo at ilan pang mga artista para magbigay sa inyo ng saya. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

15 thoughts on “Kris Aquino at James Yap, hiwalay na?! – Tita Swarding

  1. indi hihiwalayan ni dokling james c kris , dun xa sumisikat e . ganda ng buhay nia kay kris no . instant celeb xa kahit mukang driver . hahahahhaha

  2. hoy!shokla wnt moh mg ka death threat skin huh???wag mong gwan nang kwen2 c kris at idol big king james yap huh???ang dmeng t2luhin wag cla ah???ta3na qa psokan kitah nang narlim eh ehhe

  3. but im sure di kapapatulan ni kris…. paano na lang ang hanap buhay kng wala na maniniwala sa yo.. dapat mag ayos wag manloko isulat ang totoo.

  4. nakakatawa ka swarding nakita pa naman kita kanina sa nasareno sa tv patrol tapos nag eembento ka ng write ups mo hala ka pag pinatulan ka ni kris mawawalam ka mg trabaho… kasi dapat ang sinusulat totoo di kathang isip lang. si kris pag may LQ silang mag asawa alam ng lahat pag sila lovey dovey alam din ng lahat. between you and kris of curz maniwala ako kay kris puede mo siya tawagin lahat but not a LIAR!

  5. nakakatawa ka swarding nakita pa naman kita kanina sa nasareno sa tv patrol tapos nag eembento ka ng write ups mo hala ka pag pinatulan ka ni kris mawawalam ka mg trabaho… kasi dapat ang sinusulat totoo di kathang isip lang. si kris pag may LQ silang mag asawa alam ng lahat pag sila lovey dovey alam din ng lahat ikaw lang yata ang hindi alam. between you and kris of curz maniwala ako kay kris puede mo siya tawagin lahat but not a LIAR!

  6. tlgang tsismis lng yan pra my maisulat lng kya naninira ng my pmilya.lhat ng nksulat d2 puro negative.hnd nakka2wa

  7. Hindi dapat masira si Noynoy! Hindi dapat manalo si Manny dahil hindi dapat maging bise si Loren! That opportunistic dumb bitch na mahilig makisawsaw issue. Ugh…

  8. Mahilig kasi sa MALALAKI at POGI,….at BATA pa….kaya ayan…(Palagay ko, naghiwalay mutually dahil ayaw pakasal ni lalaki dahil bata pa siya??..)

    • malaki , bata pedi . pogi ? hahhaha mukang kargadong sa pier . kapangit ni james , hahahhahaha

      mukang mabaho , malaki ilong , DOKLING .hahahhaa

  9. dapat peace na tayong lahat! bui nga nagkaayus na si tita swarding at si willieboy eh.. magbago na nga kayu 2010 na hellerrrrrrrr!!!!!!!!!!!!

  10. a yon, tinapalan na pala ang pagmumukha mo ng pera ni willie kaya pabati bati ka pa sa coloum mo, talagang mukhang kang pilandas na pera, alam ko na todo bati ka na naman dahil malaki ang makukuha mo kay villar noh at may hirit ka pa na siraan si tatay, magaling ka rin magpaikot ng kwento mo pero ang kahahantungan pala ay pera, naku swarding kahit tapalan pa ang mukha mo ng pera ay inaagnas pa rin ang pagmumukha mo at kaluluwa, wag mo siraan ang mga aquino porket bati na kayo ni willie na dati ay abot langit ang pagkasuklam mo ngayon na endorser sya ng mayamang politiko eh biglang tumiklop ang buntot mo, PWEEEE amoy inaagnas ka na rin at PWEEE

Leave a Reply

Your email address will not be published.