Kris Aquino at James Yap, annulled na?!

MALAMANG ISA sa mga araw na ito, pag-uusapan na itong annulment nina Kris Aquino at James Yap.

Ayaw pa nilang magsalita tungkol dito. Pero sabi nga ni Kris, sana sa birthday daw niya sa February 14 makapagsalita na raw siya tungkol sa matagal na niyang wini-wish.

Nag-iingat lang ito dahil mahirap nga naman at baka maudlot pa. Ganyan din kasi ang nangyari sa annulment nina Zsa Zsa Padilla at ng dati niyang asawang si Dr. Modesto Tatlonghari na naudlot ang desisyon ng korte, dahil naunahan pa ito ng usapang magpapakasal na ito kay Dolphy.

Kaya ayaw talaga nilang magsalita pa sa ngayon. Pati ang mga abogado nila, tikom din ang bibig.

Kung totoo nga itong na-grant na ang kanilang annulment, mabilis din ang desisyon dahil nu’ng nakaraang taon lang ito at mukhang may linaw na ngayon.

Mas gusto na lang daw muna ni Kris na mag-focus sa trabaho niya dahil magsisimula na siya ng kanyang teleserye sa ABS-CBN 2.

Samantala, may nagbibigay pala ng ideya na puwedeng magsama sina Kris at Sen. Bong Revilla sa isang pelikula na pang-filmfest.

Hindi pa namin napag-usapan ni Bong ‘yan dahil matagal pa naman. Pero puwede nga raw at type din ni Kris dahil never pa raw niyang nakasama si Bong sa pelikula.

Saka mga ganu’ng pelikula pala ang type panoorin ng anak niyang si Bimby kaya malay natin baka matuloy nga.

 

EXCITED NGAYON sina Bong at Lani sa kanilang pangatlong apo dahil nanganak na pala si Inah ng pangalawang baby nila ni Vince del Rosario.

Isang malusog na baby boy ang iniluwal ni Inah nu’ng nakaraang Huwebes na pina-ngalanan nilang si Inigo Vicente.

Mas masaya sina Bong at Lani na ayaw magpatawag na lolo at lola. Ang gusto nila Papa Bong at Momsy Lani ang itawag sa kanila.

Samantala, inaayos pala ni Lani ang pag-leave niya sa Kongreso dahil sasamahan nito si Jolo Revilla na magpagamot sa Singapore.

Hindi na pala sila sa Amerika kundi sa Singapore na raw magpapagamot dahil medyo maluwag na rin ngayon ang schedule ni Jolo pagkatapos ng My Binondo Girl.        

Pati si Jolo ay magli-leave na rin sa kanyang trabaho bilang barangay captain sa Brgy. Panapaan sa Bacoor, Cavite.

Mabuting pag-ukulan daw nito ng panahon ang pagpapagamot para hindi na laging sumasakit ang ulo nito na nakakaabala sa trabaho niya.

Kasi naman, sabi ko nga, baka girlfriend lang ang hanap nito para gumaling ang Migraine niya.

Akala ko nga si Kris Bernal na ang babaeng ‘yun, mukhang hindi naman dahil matagal na pala silang hindi nagkikita at nagkakausap.

Parang hindi naman yata na-develop nang bonggang-bongga. Alamin ko nga!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino at James Yap, annulled na?!

  1. Wish you all the best James, and the rest of your family.finally you are free now with that user ex wife of yours

Leave a Reply

Your email address will not be published.