Kris Aquino at Isabel Oli, nagkita sa kasal ni Jenny Miller

SUPER-TSIKA SA AKIN si Kris Aquino nang magkasabay kaming mag-ninang sa kasal ni Jenny Miller sa non-showbiz boyfriend niyang si Cupid Feril nu’ng nakaraang Biyernes ng hapon.

In fairness, maayos ang kasal ni Jenny na ginanap sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills.

Ang aligaga sa pag-asikaso rito ay ang bestfriend niyang si Claudine Barretto na ninang din doon.

Ninang din si Dra. Vicki Belo na late dumating at si Cong. Lani Mercado na pinag-proxy ang anak niyang si Inah.

Ilan naman sa mga tumayong ninong ay sina Sen. Jinggoy Estrada at Mayor Herbert Bautista. Pero hindi na namin napansin, biglang nawala na si Herbert at hindi na nito natapos ang misa.

Habang ginaganap ang kasal, ito namang si Kris, panay ang tsika sa amin na hindi pa rin daw siya nawawalan ng pag-asa na magkakaroon din siya ng church wedding.

Nang in-interview nga ito ng Startalk, sinabi pa niyang bigyan siya ng three years, meron na siyang pakakasalan sa simbahan. Naku, ha! Kahit sinasabihan na ito ng mga kapatid niyang makipag-boyfriend na lang, nandiyan pa rin ang pangarap niyang magpapakasal sa simbahan. Tingnan na lang natin kung meron na nga itong boyfriend sa mga susunod na taon. Nagkita pa sila sa simbahan ni Isabel Oli na bestfriend din ni Jenny.

Nagkabati nga sila sa simbahan pero nang tinanong naman si Isabel tungkol diyan, ayaw na niyang magsalita. Wala naman daw silang isyu ni Kris kaya okay lang kung magkabati sila. Siyempre, deny na naman siya sa intriga nila ni James Yap.

Du’n din sa kasal, kinulit si Claudine tungkol sa isyu nila ni Angelica Panganiban. Tinanong ito kung totoong nagkaayos na sila, nagkibit-balikat lang ito. Mabuting si Raymart na lang daw ang tanungin. Sey naman ni Raymart, sana nga raw magkaayos na pero mukhang hindi pa yata. Kaya tahimik lang sila.

Ang alam ko, nag-Party Pilipinas si Claudine kahapon pero wala pa itong kasunod na programa sa GMA-7. Ang susunod daw niyang gagawin ay ang pelikulang pagsasamahan nila ni Mark Anthony Fernandez sa GMA Films. Sa susunod na buwan na raw sila magsisimula.

‘Yun ang ilan pang nasagap kong kuwento sa kasal ni Jenny na napanood n’yo naman siguro sa Startalk nang sinelebreyt namin ang 15th anniversary nung kamakalawa lang.

GUEST DIN PALA namin sa Startalk 15th anniversary namin si Borgy Manotoc. Nakahanda na raw siyang pasukin ang showbiz. Kaya hinahasa pa nito ang Tagalog niya dahil talagang mag-aartista na siya.

Nang tinanong ito kung sakaling sa GMA-7 siya magkaroon ng programa, at sino ang type niyang maka-partner? Si Rhian Ramos kaagad ang sagot nito na bagay naman sa kanya kung sakali.

Pero aminado naman si Borgy na sila na ni Georgina Wilson at masaya naman daw silang dalawa.

Mukhang bobongga ang career ni Borgy kung sakaling mag-aartista na ito dahil dun pa lang nga sa studio, talagang pinagkaguluhan na siya ng mga staff namin at ng mga taong nandu’n.

Sa ngayon, okay na raw muna siya sa hosting, at kapag okay na raw siya pagkatapos niyang mag-workshop, acting na ang susubukan niya at type raw niya ang medyo funny na bad guy role.

Abangan na lang natin ang pagbongga ng showbiz career ni Borgy.

BUSY NGAYON SI Jennylyn Mercado sa pagpu-promote sa bagong drama series nitong Little Star na magsisimula na sa GMA-7 Dramarama sa Hapon.

Nu’ng nag-promote si Jennylyn sa Startalk, dala niya ang anak niyang si Alex Jazz at ang laki na pala nito.

Medyo tumaba nga at Patrick na Patrick na talaga ang hitsura. Naikuwento nga ni Jennylyn na ang laki na raw ng ipinagbago ng anak niya magmula nang nakilala na nito ang ama niya.

Kaya lang, hindi pa rin daw siya nakakatawag ng Mommy at Daddy. Parang wala pa raw sa kamalayan nito na meron na siyang Mommy at Daddy kaya lagi niya itong isinasama.

Kung may trabaho naman siya, na kay Patrick ito. Lagi nga raw itong nahihiram ni Patrick para lalo silang magkakilala ni AJ, at naging close naman daw sila. Pero mas hinihintay raw nilang tinatawag na sila ng anak nila na Mommy at Daddy.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Kris Aquino at Isabel Oli, nagkita sa kasal ni Jenny Miller

  1. kaya nga insecure sya kasi mas sariwa si isabel kaysa kanya..hahahahahahha bruhelda na kris..LAOOOOSSSSSSSSSSS NA GAYA NI RUFFA G….kawawa nitong dalawa na ito palaging bad influence..si ruffa g naman mahilig mang agaw at tuwang tuwa sya pag may inaagawan sya may babaeng may umiiyak hay naku ruff g bad karma mabalikmsayo wala namang naniniwala na tinatawagan sya ni lloyde sya palaging nag mimisscall kay llyode…mga bruhelda kayong dalawa…..

    • EXCUSE ME? HAHAHAH HINDI ATA MAG-KALEVEL SI KRIS AT RUPPA G!!!!!!!!!!!!!!!!

      SI RUPPA AY ISANG BRUNEIYUKING POKPOK AT GALING SA BASURANG PAMILYA.

      SIKAT NA SIKAT PA SI KRIS AQUINO….ANG NAG-IISANG QUEEN OF ALL MEDIA WHILE MATAGAL NG LAOS ANG GURANG NO TALENT STARTLET NA SI RUPPA G.

      • Ang sinabi daw ni Ruffa sa isang interview na mabuti pa raw yong ibang nakarelasyon nya in the past kasi may mga word of honor daw ito na parang pinaringgan si John Lloyd. Aha, kaya pala si Ruffa ginawang punching bag ni Yilmas kasi si Yilmas may word of honor!. At sinabi pa ni Annabel na bat daw pinayagan ng mga magulang si Heart na pumunta sa Japan with Suzuki na para daw itong naghoneymoon. Bakit si Ruffa pinayagan din ni Annabel na pumunta sa California kasama si Loydie na nagcheck in daw sa mahaling hotel sa LA ba yon? Di ba may mga pictures na inilabas ng mga media? So what can you say about this Annabel?

  2. AY NAKU WALA PANAMA SI KRISSY KE ISABEL OLI. MAGANDA SI ISABEL AT ME BREEDING WHILE SI KRISSY WALA AT ANG PANGIT NYA HA SA TOTOONG BUHAY LALO NA PAG WALA MAKE UP PURO OR DAMI ITIM2X MUKHA NYA. PASALAMAT SYA AT NA EEDIT NA NGAYUN SA TV AT MAGAZINE DAHIL SA TECHNOLOGY. AT ANO YONG TANONG NYA NUN ” ANO NAIWAN NI JAMES SA BAHAY NILA”. SYEMPRE ANAK NYA DAHIL GALING KE JAMES YAN NOH!!! FYI LNG. AT ANO YON DATI SINABI NYA SA GMA 7, 7 OLD WEEKS. NGANGO KA BA, KAYO NGA 7 OLD WEEKS DAHIL DLAYED SA BALITA KAHIT LIVE PA YON AT NAUNA NA ANG KABILA. GOSH NASAN UTAK MO DAY!!!!!

    • Da Who si Isabel Oli????? Okay ka lang jaws1888????? BWAHAHAHAAHAHA
      PLEASE INENG, HUWAG MONG IKUMPARA ANG ISANG KRIS AQUINO SA ISANG NO NAME STARLET!!!!HAHAHA

      SI KRIS AQUINO ANG QUEEN OF ALL MEDIA AT GALING SA ISANG RESPETADO AT MAYAMANG PAMILYA…

      PARANG YOU ARE COMPARING A MERCEDES BENZ TO A TRICYCLE….IDIOTA KA TALAGA!!!!!!!!!!!!!!!

  3. OO naman, binigyan pa nga ako ng one set blue diamond e, and Wow naman,..with Patek Philippe watch..Di ba bonggang bongga??..mabait naman si Krissy, bungangera nga lang, pero mahal siya ng taong bayan, iilan lang yong kontrabida niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.