Kris Aquino at Dingdong Dantes, Sosyo sa Gagawing Pelikula!

KAGABI NA PORMAL na inilunsad ang Yes Pinoy Foundation na binuo ni Dingdong Dantes. Dapat ay nu’ng nakaraang taon pa ang launch nito, pero hindi natuloy. Tamang-tama naman at isinabay ito sa 25th anniversary ng EDSA People Power.

Isa ito sa pinagkaabalahan ng aktor dahil siya ang nagre-represent sa mga kabataan na sinasabing sila ang magpapatuloy ng tunay na diwa ng EDSA People Power. Sa launch ay suportado si Dingdong ng kasintahang si Ma-rian Rivera.

Bago pa lang ang launch, ang dami ng activities ng Yes Pinoy Foundation na sinama-han ng aktres. Ang sweet nga ng dalawa. Sabi ni Dingdong, si Marian ang inspirasyon niya kaya nabuo ang Yes Pinoy Foundation. Siyempre, touched naman ang aktres dahil naging magandang impluwensiya pala siya sa kasintahan.

“Kasi, naniniwala ako na lahat nanggagaling ‘yan, nagsisimula sa inspirasyon. Parang nagsusulat ka, halimbawa ng isang kanta or magpi-paint, lahat ‘yan it comes sa inspiration,” pahayag ni Dingdong.

Sagot naman ni Marian, “Nakakataba naman ng puso. Palagi n’yang sinasabi ‘yan, siyempre nagti-thank you ako, na gano’n ‘yung inspirasyon na i-binibigay ko sa kanya.”

Kaya siguro naiintriga sila na pinapakialaman daw ni Dingdong ang career ni Marian ngayon. Nagkakaintindihan daw sila pagdating sa trabaho, kaya never daw na gagawin ‘yun ng aktor. Ganoon din naman si Marian na hindi nakikialam kay Dingdong sa mga projects niya.

Pero kung nakikita man si Dingdong sa set ng Amaya, hindi ibig sabihin na nakikialam siya. Malayo ang location ng taping nila, kaya malamang na bihira na silang magkita ngayon. Nangako kasi ang aktor na kapag wala siyang taping, dadalawin niya ang girlfriend.

Hindi naman siguro masama ‘yun!

BAGO PALA INI-LAUNCH ang Yes Pinoy Foundation ni Dingdong, ini-launch din ang bagong perfume nito under Bench na ‘Freedom’ ang tatak. Isinabay ito sa anniversary ng People Power at kasama niya rito si Kris Aquino.

Sa launch na ginanap sa Trinoma, kinausap pala ni Kris si Dingdong na magsosyo na lang sila sa pelikulang pagsasamahan nila. Nagustuhan naman ng aktor ang ideya dahil isa naman daw sa balak niya ay ang mag-produce ng pelikula. Mukhang maganda raw itong inaalok ni Kris.

Hindi na kasi matutuloy ang pelikulang gagawin nila sa GMA Films dahil hindi pa pala puwedeng lumabas si Kris sa ibang production outfit hangga’t hindi pa ito nakakatapos ng isa pang pelikula sa Star Cinema. Kaya mas okay na raw na mag-produce na silang dalawa at pag-usapan na lang kung ang Star Cinema o ang GMA Films ang magdi-distribute nito. Sana raw ay matuloy ito ngayong taon.

Samantala, itinanggi uli ni Kris ang isyu nila ni Makati Mayor Junjun Binay. Talagang close friend lang daw sila. Ibinuking pa niya na may ibang babaeng ka-date si Mayor Binay. Kaya pinagtatawanan na lang daw niya ang isyu. Pero apektado si Mayor Binay dahil hindi siya sanay sa ganoong intriga.

Dagdag pang kuwento ni Kris, matagal pa siyang magkakaroon ng panibagong relasyon. Hayaan na raw munang mauna si James.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.