Kris Aquino at Dingdong Dantes, magsasama sa isang pelikula

KUMPIRMADO ang chikang gagawa ng isang pelikula sina Dingdong Dantes at Kris Aquino, mula sa GMA Films. Nauna rito, kumalat ang balitang nakitang nakikipag-meeting si Kris with GMA President Anette Gozon-Abrograr, at na-chismax pang mag-oober da bakod na si Kris sa Siyete.

Pero sa film outfit nga lang ng Kapuso Network magtatrabaho si Kris, sa panahong wala pang offer sa kanya ang Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN kung saan siya nakakontrata.

Si Kris mismo ang nagbalitang finally ay pinayagan na siya ng kanyang big bosses sa Dos, upang gumawa ng bagong pelikula, for the first time, under GMA Films. Si KC Concepcion na isa ring Kapamilya contract star ay nauna nang gumawa ng movie under GMA Films with Richard Gutierrez, kaya’t wala ngang imposible sa ganitong set-up.

Ang kumpirmadong leading man ni Kris Aquino: Si Dingdong Dantes!

Naipadala na kay Kris at sa kanyang managers na sina Deo Endrinal and Boy Abunda ang unang konsepto ng pelikula nito with Dingdong, pero knowing Kris, mabusisi ito at metikuloso sa mga detalye ng movie, kaya malamang dadaan pa ang script sa maraming revisions.

Ang masarap lang abangan ay ang pagtapak ni Kris sa GMA studios kapag nag-promote na ito ng kanilang movie ni Dong, like sa Eat Bulaga, Startalk (na unang talkshow niya), Showbiz Central (katapat ng dati nitong show na The Buzz), Party Pilipinas, Mel And Joey, etc.

Kung magkaka-okrayan man o may magaganap na kakaibang “eksena” with a Kris Aquino as guest, ‘yun ang malalaman natin soon.

Sa ngayon, nakatakdang unahin muna ni Kris ang Dalaw, ang horror flick entry niya sa Metro Manila Film Festival Philippines ngayong Pasko. Ito ay independently produced by Kris’ manager, Deo Endrinal, sa sarili nitong bagong film outfit, na matagal nang pangarap ni Deo.

To be released by Star Cinema, balitang until press time ay pabago-bago pa rin ang mga makakasama sa cast at malamang matsugi na raw rito si Mariel Rodriguez.

AS PER DINGDONG Dantes na nakausap natin, happy ito at excited sa first time na makasama sa isang movie ang kontrobersiyal na host-actress na si Kris Aquino. Aminado si Dong na “fan” daw siya ng horror films ni Kris, bagama’t wala pa itong kinumpirma kung horror rin o ibang genre ang gagawin nilang pelikula.

“Naniniwala akong GMA Films will come up with a good concept na babagay sa respective personalities namin ni Kris for the movie,” banggit ni Dingdong.

“As a fan of her horror flicks, I’m sure this project will be exciting. Wala pang direktor, nag-uusap pa ang mga nasa production as of now.”

Ilang beses na ring nagkakasama sina Dingdong at Kris sa campaign sorties ni Pangulong Noynoy Aquino noon, at magkasama rin silang dalawa as Goldilocks endorsers, at this time ay isang movie naman.

At kung si Kris Aquino ang next leading lady ni Dong sa movie nito, si Regine Velasquez naman ang makakasama ng guwapong aktor sa I Heart You Pare, bago nitong teleserye sa Siyete, after Endless Love nila ni Marian Rivera. Kung hindi kami nagkakamali, isang romantic comedy naman ang Dong-Regine series.

Kuwento ni Dingdong, “Isang buwan ang ibinigay sa akin ng GMA to prepare for my next series with Regine. At sa mga araw na ‘yun, I plan to clear my mind from all baggage, and mag-focus ako sa bago kong character.

“Siyempre, kasama na rito ang bakasyon ko at quality time with Marian na gawin namin ang mga dati naming hindi nagagawa noong ginagawa pa namin ang Endless Love, like driving out of town, watching movies, and eating a lot,” tawa ng prime talent ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan.

May isa pang dumating na offer kay Dingdong na ikinahihinayang ng aktor dahil hindi niya magagawa, ang isang indie film with an award-winning director, dahil sa conflict of schedule ng shooting, at may December 10 target playdate na ito.

Tungkol ito sa plight ng journalists na namatay sa Maguindanao massacre.“Pero kahit na hindi ko magagawa ang movie, gusto ko pa ring iparating ang suporta ko sa league of journalists and for the cause this film is fighting for,” say ni Dingdong.

Follow us on Twitter at [email protected]

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleIza Calzado, sumabak na sa paseksihan
Next articleGuwapong aktor, niloloko ang napakagandang dyowa!

No posts to display