Kris and Aljur kiss each other everyday?

First time makita ng Bullchit sina Kris Bernal at Aljur Abrenica and they look good together, hanep ang chemistry. Hindi kataka-taka na bigyan sila ng solo presscon ng GMA 7, dahil ang taas-taas daw ng rating ng kanilang Dapat Ka Bang Mahalin?

Considering na dating pinagtambalan noon sa movie nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, hindi sila napahiya. Napatunayan nilang they deserve the break given to them by the powers that be sa Kapuso station. Naku, kakabugin na nila ang tambalang Jennica at Mart Escudero, lalo’t break na ang mga ito.

Samantala, papainit naman sina Kris at Aljur. Isang bagay lang ang napuna natin sa kanila. Their pictures don’t do them justice. Mas maganda si Kris in person. Si Aljur naman ay mukhang mature, pero in person he’s the teenstar that he is. At hindi malaki ang kanyang panga. Oks na oks nga, eh.

Naniniwala si Aljur sa kasabihang “Daig ng maagap ang masipag.” Ngayon pa lang, niregaluhan na niya si Kris ng isang mamahaling silver bracelet. Hindi nakaligtas kay Kris ang halaga nitong tumataginting na P31,000!

“What’s nice about it, eh, wala pong okasyon. Hindi Christmas, Valentine o birthday ko. Basta, sinorpresa niya ako. Galing nga, eh.” Aniya.

Natitiyak daw niyang marami ang maiinggit sa kanya. Ang dami-dami po kasing chicks na may gusto sa kanya. At hindi po basta tumitingin lang ang mga ito. Nakaka-insecure po talaga,” patuloy niya.

Agad-agad namang binubura ni Aljur ang alinlangan ng dalagang mukhang dalagita pa lamang. “’Pag wala silang taping, dinadalas-dalasan niya ang pagdalaw sa bahay nito. He’s also quick to offer her a sit.

“Napaka-gentleman po niya. Akala ko nga, hindi po uso ngayon ang pag-o-open ng door to let a lady in, pero ginagawa pa rin niya iyon. Sweet.”

Na-develop na kaya si Aljur, dahil nadadalas na rin ang kissing scenes nila?

“Ewan ko po,” sagot ni Kris. “Halos araw-araw na nga po kaming naghahalikan sa ‘Dapat…’ humigit pa nga roon ang nangyayari, may bed scene pa po kami. At pumatong po talaga siya sa akin. Again, he assures me of his being a gentleman. He was tender. Kahit ganito po ako kaliit, iningatan niya ako. Kaya po, hindi ko naramdaman ang bigat niya. And yes, naroon po ang nerbiyos, ang ngatal ng dialogue namin sa isa’t isa. At ‘yun, we felt naman na we did it well.”

Inamin din ni Kris na malaking tulong sa kanila ni Aljur si Direk Maryo delos Reyes. “At ang malakas na mga sampal sa akin ni Juan Rodrigo. Hindi lang po iyon, ibinabalibag pa nga po niya ako. Sa liit ko pong ito, puro pasa ang nangyayari sa akin. Black and blue. Bugbog-sarado po talaga ako. Pero masaya, dahil marami ang pumupuri. Nakatataba po talaga ng puso iyon. Nakatutulong. Nakatataas ng moral.

Bago ang ‘Dapat…’ nagawa na rin nina Kris at Aljur ang Zaido, Dyesebel, at Luna Mystica. Ginawa rin nila ang Boy Next Door, pero hindi sila nagtambal doon. First talaga nila ang Zaido at napasabak agad sila sa halikan.

“Kahit na-prepare ko na ang sarili ko sa mga ganitong eksena, natakot din ako. What if they won’t like the way I kiss? What if Aljur and I won’t connect first time, pero kissing scene agad. Ang lupit naman. But to my surprise, okay siya. Maingat. He has a way of making me feel at ease, kahit siya ay kinakabahan din.

“Nang bigyan kami ng kasunod na project na magtatambal uli, we knew na nagustuhan din nila ang ginawa namin. Natatakot nga ako na dumating ang pagkakataong i-suggest nila sa akin na magpa-breast enhancement ako. Para may sexy effect, kasi nga po maliit ang boobs ko. Siguro, maghe-hesitate din ako. But for the sake of my career, papayag din ako!”

BULL Chit! by Chit Ramos

loading...

13 thoughts on “Kris and Aljur kiss each other everyday?

  1. hayop…. ka kris bernal inaagaw moh sa min c papa aljur….
    at ang palabas mong dapat ka bang kantutin…. over acting ka dun O.A. OVER NA HA… HINDI NA 2 MASAYA…. NAKAKAINIS KANA AT NGAUN NABALITAAN KO PAH… NAGKULONG DAW KAYO SA KWARTO NI PAPA ALJUR AT SABI NILA NAKIPAG SEX KA NA DAW KAY ALJUR… ITS GONNA TRUE UR A LIE….. YUN LANG PASABI KO SA NGAUN MANGHAHAGILAP PA AKO NG CHIKA TUNGKOL SA INYONG DALAWA….. HAYOP KA….. YUN LANG …..

    • ahhh,bakit ba kayo galit kay kris bernal?
      may nagawa bang masama sa inyo si kris?
      wla na kyong pakialam kung yan ang totoo,,,
      talagang sila na noh,,ang balita mag papakasal na daw si aljur kay kris,,,ohhhh
      ingit kyo noh
      i am proud to be alkris 4 ever!!!!!

  2. i really like the tandem, im a solid Kapamilya but for the afternoon show, i go for DAPAT KABANG MAHALIN, i like the story, i like the Kris n Aljur.. eehhehehe…

    Kris n Aljur deserve a break cz wer very used of seeing Ding-dong n Marian with sooo much exposure on TV.. seems like theres no other stars in GMA, well i think wla na tlaga.. in our dialect, they are “sumo” or monotonous and all my friends feel so yucky every night of seeing them, always them!

    unlike ABS-CBN, youll get variety of stars, different flavors of the day, month n they all remain in their places..

    sa style ng GMA, eventually malalaos ang mga stars nila…lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.