Kriminalidad sa Pagadian City, Konektado sa Pyramiding

 

SINUSURI NG mga awtoridad ang crime rate sa Pagadian City sa posibleng kinalaman sa pyramiding scam.

Ayon sa ilang opisyal at pulis, naghihinala sila na may kina-laman sa pyramiding scam ang pagdukot at pagpatay sa isang negosyate sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, napaulat na ang isang investor ng Amman Futures Group Philippines ang biktima ng karahasan at marami rin siyang nakumbinsi na mag-invest dito.

Nagsilbi rin umanong tauhan ng Amman Futures Group Philippines sa Pagadian City ang hindi pinangalanang negosyante.

Isa sa mga katibayan na nakuha ng mga awtoridad sa biktima ay ang mga resibo at mga form ng Amman Futures Group Philippines ng mga taong naipasok niya rito.

Matatandaan na pasado alas-4 ng hapon noong November 12 ay dinukot si Anwar Alvin Zainal Paglala, 34-anyos, sa harap mismo ng Land Transportation Office sa may Barangay Taguma ng lungsod.

Puwersahang isinakay ng mga suspek ang biktima sa isang Isuzu Crosswind at noong  November 13 ay natagpuang patay ang biktima na tadtad ng bala ang katawan sa may Barangay Balocot, Tambulig, Zamboanga Del Sur.

Maaari umanong ma-tinding galit ng mga nabiktima ng pyramiding scam ang naging dahilan ng pagpaslang sa negosyante. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.