Krimen sa Antipolo Lumalala, “Riding in Tandem” Gumagala

RIZAL – NANGANGAMBA NA ang mga residente sa lumalalang kriminalidad sa lungsod ng Antipolo dahil sa hindi pagkilos ng kapulisan na masyado umanong “low morale” dahil sa kawalan ng maayos na opisyal na mamumuno  sa kanila.

Matatandaan na sinibak bilang chief of Police si P/Supt. Manuel Pion dahil sa “one strike policy” ng PNP matapos na mahulihan ng  “jueteng” sa kanyang area of responsibility.

Ayon sa isang pulis na ayaw magpabanggit ng pangalan, halos wala na ring silbi ang kanilang hepe na si Supt. Pion matapos na hindi makakuha ng suporta sa pamahalaang lokal at matagal na ring gustong magpalipat ng assignment.

Kinumpirma naman ni Rizal Provincial director P/Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto ang hiling ng Antipolo COP na siya ay ilipat na, bago ang relief order mula sa tanggapan ni PRO-4 Regional director P/C. Supt. Samuel Pagdilao.

Ayon pa kay PD Prieto, si Supt. Pion ay nangakong hindi na magdaramdam sakaling palitan kapag hindi niya naresolba ang kaso ng robbery hold-up sa isang hardware noong nakalipas na linggo.

Kamakalawa ay muli na namang umatake ang “riding in tandem” robbers kung saan ay hinoldap nito ang isang gasolinahan sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Mayamot ng nasabing lungsod.

Ayon kay Felix Benitez, 30-anyos, may asawa, cashier ng Shell Gasoline Station at residente ng Saint Camillus, Brgy. Inarawan, Antipolo City, dakong ala-1:57 ng madaling-araw nang tinutukan siya ng baril ng isa sa mga suspek at sapilitang kinuha ang kanyang sales na nagkakahalaga ng P3,825 bago sumibat patungong Masinag junction.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.