Krimen, itinago sa bunton ng uling

RIZAL – PARA PAGTAKPAN ang kanilang ginawang karumal-dumal na krimen, itinago sa bunton ng u-ling ng magkalaguyo ang bangkay ng kinakasama ng babae sa bayan ng Angono.

Namamaga na at nasa ‘state of decomposition’ nang matagpuan ng mga kalugar ang bangkay ni Jose Tablezo Jr. alyas “Ogor”, 37, caretaker at pastol ng mga hayop ng Sitio Dayap, Brgy. San Roque sa nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ederlina Reyes, live-in partner ng biktima at isang nakilala lamang sa pangalang “Edwin” kasamahan sa trabaho at kasama sa bahay ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga magtungo sa tinutuluyan ng biktima ang isa pang trabahador ng farm na si Ramon Renicido para pag-usapan ang kanilang trabaho.

Subalit laking pagtataka nito nang hindi maabutan ang tatlo kung kaya’t umuwi na lamang ito at bumalik dakong tanghali.

Dahil sa wala pa ring tao sa bahay, nagtungo ito sa bahay ng opisyal ng barangay na nagtulung-tulong para hanapin ang tatlo. Dito na natuklasan ng mga kalugar ang sinapit ng biktima na matapos tadtarin ng taga at saksak ay tinabunan ito ng sako-sakong uling.

Wala rin ang dalawang kasambahay kung kaya’t naghinala ang pulisya na ang mga ito ang pumatay sa biktima dahil sa love triangle.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.