Kotse ni Ruby Rodriguez, naaksidente!

AKSIDENTENG NABAGSAKAN NG lumipad na bubong galing sa itaas na bahagi ng Broadway Centrum ng

kotseng Hyundai ng komedyanteng si Ruby Rodriguez. Ayon sa nasagap ng ating kamerang-gala, tapos na ang live show ng Eat… Bulaga! sa Broadway Centrum noong Sabado, Marso 13, nang tawagin ang pansin ni Ruby. Nagkaroon ng kaunting yupi sa bubungan ng kotse ni Ruby. Wala raw dating nagpa-park na kotse sa lugar na binagsakan ng bubong at pawang mga audience at fans ang madalas tumambay roon. Hindi naman kaagad masagutan ng management ang nasabing insidente habang inaalam pa kung saan nanggaling ang bumagsak na bubong. Naka-insure naman daw ang kotse ni Ruby. Nagpapasalamat na nga lang ang lahat at walang taong nabagsakan ng bubong.

Parazzi Wires

Ni Dani Flores

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.