Kotse ng Reporter, Tinangay

TINANGAY NG mga carnapper ang kotseng pagmamay-ari ng isang senior reporter ng Telebisyon ng Bayan (NBN 4) sa Quezon City, dakong alas-11:00, Sabado ng gabi.

Ayon sa reporter na si Emil Carreon, ipinarada lamang niya ang kulay pulang Toyota Vios na may plakang ZSX-854 sa kahabaan ng Cristobal St. malapit sa kanto ng N. Domingo.

Bagama’t may closed-circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar ay hindi naman nito nahagip ang pagtangay ng kotse ng TV reporter.

Sa ngayon, hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnapping Unit ang nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.