Kotse ng aktres, ipina-carnap ng ex-dyowang pulitiko!

“WALA AKONG UTANG!”

‘Yan ang deklarasyon ni Nyoy Volante bilang sagot sa paratang ng ex-girlfriend niyang si Nina na may utang siyang P1.4 million.

“Ang nangyayari kasi ngayon, it’s her word against mine. That’s all it will ever be. May sasabihin siya, paniniwalaan ng mga tao na nasa paligid niya. May sasabihin ako, paniniwalaan ng mga tao sa paligid ko,” paliwanag niya sa birthday presscon ng Star Magic talents.

Nalulungkot si Nyoy na humantong sa ganito ang kanilang situwasyon ng Soul Siren, na nag-away sila dahil sa pera. “I’m just really sad that this much hatred is present just because of money. Alam ko there are statements na kailangang sabihin, pero siguro kung kayang sa likod na lang ng media gawin natin.”

Maging ang pagngisi raw ni Nyoy kay Nina nang magkasalubong sila sa ABS-CBN ay naging issue rin.

“The thing is, nakangiti naman ako palagi, eh. My smile is for everyone. Ganito na ako. I’m happy kahit sino ang kaharap ko. I don’t think that should change. Ganoon ang ginagawa ko everyday in my life. If someone takes offense, hindi ko na siguro problema ‘yun.”

Sa ngayon ay walang balak si Nyoy na makipag-usap kay Nina. “I think it’s too early. Gaya niyan, nakangiti na ako pero meron pang nasasabi, so I think baka may iba na namang interpretasyon.”

Ayaw idetalye ni Nyoy kung paanong sinasabi ni Nina na may utang siyang mahigit sa isang milyon.

“Sana, kung meron dapat ayusin, dapat doon na lang sa court. I can’t talk details. If I talk details right now, magkakaroon ng issue about it. What I can relay to everyone is that ‘yung mga details na ‘yung mga ganyan ay inaasikaso, hindi pinababayaan. I think it’s useless (to talk about it publicly). Kami nga sa pamilya, we don’t talk about it.”

Actually, naaawa kami kay Nyoy dahil we feel bad timing ang paglalabas ni Nina ng kanyang hinaing. Kabi-birthday lang kasi ni Nyoy na isinilang noong Jan. 25. At saka, masakit para sa part ng singer na pag-usapan siya on a negative light sa linggo ng kanyang kaarawan. But we feel na it’s better na huwag na lang silang magpalitan ng mga salita at i-settle na lang ang dapat i-settle kung meron man.

Hala, naging adviser daw ako ng dalawa! Ha! Ha! Ha!

NAGING DYOWA NG isang pulitiko ang isang magaling na aktres. For a while ay naging sila at wala naman problema dahil matagal nang hiwalay ang pulitiko sa kanyang asawa.

Ang problema, nagsawa na ang pulitiko sa aktres. Feel na niyang makipaghiwalay rito. Ang kaso, gusto niyang bawiin ang kotse na kanyang ibinigay sa aktres, pero hindi niya masabi ang kanyang balak.

Finally, nasabi na rin niya sa aktres na gusto niyang makipaghiwalay at gusto na niyang bawiin ang car na ibinigay niya. Siyempre, naimbiyerna ang magaling na aktres. Ibinigay na nga naman sa kanya, tapos babawiin naman.

One time, nag-taping ang aktres. Siyempre, gamit niya ang car na iniregalo ng kanyang politician lover.

Hanggang sa matapos na lahat ng eksena ng aktres. Siyempre, punta siya sa kanyang car para umuwi na. Laking gulat niya nang makita niyang wala na sa kalye ang kanyang sasakyan. Nabigla siya at iyak nang iyak.

Hindi naman maipa-blotter ng aktres sa pulisya ang nangyari sa kanyang kotse. You now why? Hindi naman pala sa kanyang pangalan nakarehistro ang caru!

So, totoo bang na-carnap ang kotse ng aktres? Yes at ang nagpa-carnap ay ang pulitikong nang-iwan sa kanya.

Sa ngayon, happy na ang aktres sa kanyang buhay. At ang galing-galing niyang umarte lalo na’t kontrabida ang kanyang role.

Walang kinalaman sa showbiz ang pulitiko, wala siyang dugong artista. Talagang sa pulitika lamang ang kanyang mundo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

6 thoughts on “Kotse ng aktres, ipina-carnap ng ex-dyowang pulitiko!

  1. Trulili, si Pauline nga yan, siya lang naman ang nagkaroon ng dyowang politician diba…? si Mayor Gatchalian…

Leave a Reply

Your email address will not be published.