Kotse, Nahulog sa Tulay; 4 Sugatan

PATULOY NA iniim-bestigahan ng PNP Currimao ang pagkahulog ng isang Mitsubishi Adventure sa isang tulay sa Brgy. Maglaoi, Currimao, Ilocos Norte.

Agad namang isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang apat na nakasakay sa naturang sasakyan na pawang nagtamo ng multiple minor injuries dahil sa nasabing aksidente.

Kinilala ni S/Insp Don Acacio, chief of police ng bayan ng Currimao ang mga biktima na sina Minerva Subanguit, driver ng Adventure, 32, at ang kanyang mga kasama na sina Christian Beltran, Fair Cielo na taga Bacsil, San Juan, Ilocos Sur at ang balikbayan na si Henrieta Udarbe na taga-California, USA.

Sinabi ni  Acacio na nangyari ang insidente nang mag-overtake ang sasakyang minaneho ni Subanguit subalit biglang may nakasalubong na ibang sasakyan kaya’t umiwas.

Ngunit ito naman ang naging dahilan ng pagkahulog ng sasakyan sa tulay na may lalim na 15 talampakan.

Samantala, napag-alaman din ng pulisya na si Subanguit ay walang driver’s license.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.