Kotse, Muntik Ma-Shoot sa Fishpond; Driver, Sugatan

SUGATAN ANG isang lalaki matapos muntikang mahulog sa fishpond ang kanyang kotse nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan sa bahagi ng Pantal-Dawel Diversion Road sa Dagupan City.

Nawalan umano ng kontrol sa minamanehong sasakyan ang biktimang si Edmund Erguiza, residente sa bayan ng Binmaley ma-tapos sumulpot sa harapan ang patawid na lalaki sakay ng motorsiklo.

Iniwasan ito ng driver dahilan para mawalan ng kontrol at sumampa sa barikada sa kalsada ang sasakyan na muntikang mahulog sa fishpond.

Bunsod nito, nagtamo ng sugat sa katawan ang driver na mabilis namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng paunang lunas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.