Kotong Cops Strike Again!

0910-803xxxx – Good day, Boss Raffy! Ireport ko lang po sa inyo na wala pa rin pong tigil sa pangongotong ang mga pulis dito sa Alabang gabi-gabi. Nagpapalit lang po sila ng sasakyan. Noong isang gabi, mobile no. 523 dala nila, kagabi naman mobile no. 529 naman. Dapat sa mga ganitong pulis tinatanggal sa serbisyo.

 

0927-788xxxx – Sir Raffy, gusto ko lang po isumbong sa inyo ang Baguio City National High School sa paniningil nila sa aking anak ng P640 bago raw po makakuha ng 3rd Grading Periodical Exam. Tama po ba na maningil ng ganung halaga?

 

0942-474xxxx – Magandang araw po, Idol! Nais ko pong isiwalat ang isang paggawaan ng sigarilyo rito sa aming lugar sa Malolos, Bulacan na nagdudulot ng masangsang na amoy tuwing mag-o-operate ito. Sana po ay matulungan ninyo kaming mapatigil ito dahil ito’y maaaring makasama sa aming kalusugan.

 

0946-352xxxx – Mr. Tulfo, may gusto lang po sana kaming ikonsulta para ipetisyon ang isang sitio chairman ng Brgy. San Jose, Antipolo, Rizal dahil sa pagiging pabaya at pangungurakot nito.

 

0923-721xxxx – Good day po, Sir Raffy! Ireport ko lang po ang mga pulis dito sa presinto ng Las Piñas sa Marcos Alvarez, sobrang kapal po ng mukha na mangotong sa mga nakamotor. Ang isa po ay nakilala ko na si PO1 Delgado. Sana po ay mapasyalan ninyo para makita po ninyo mismo ang iligal na gawain nila. Salamat po!

 

0932-318xxxx – Magandang araw po! Isa po akong SG at gusto ko pong isumbong ang ginagawang pananakot sa amin ng may-ari ng agency na aking pinaglilingkuran, ang Goldforce Security Agency na pagmamay-ari ni Lt. Bobby Rigonan. Ayaw po niyang ibigay ang cash bond namin. Lagi na lang po kami pinapaasa. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

0907-146xxxx – Idol Raffy, humihingi po kami ng tulong dahil sa kinakawawa po ang mga preso sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig. Hindi po kasi pinapakain at hindi po pinapapasok ang dalaw. At ‘yung mga may hearing noong Nov. 8, hindi po pinag-hearing. ‘Di po namin alam bakit po ganu’n ang ginagawa nila. Sana po ay maaksyunan po ninyo ito.

 

+9715294xxxxx – Sir Raffy, isa po akong OFW rito sa Al Ain, Abu Dhabi na nakakaranas ng sobrang hirap. Halos ‘di na po kami pinapatulog, hirap pa rin po kami sa pagkain. Umaasa po kami na kami po ay inyong matutulungan. Maraming salamat po!

 

0918-424xxxx – Sir, magandang araw po! Dito po sa eskuwelahan namin pinipilit po ang mga bata na bumili kahit ayaw po nila. ‘Pag hindi raw po bumili, ‘di raw po pauuwiin. Sobrang kalabisan na po ito. Hiling po namin na mapatigil na po ang mga ganitong paniningil at pamimilit sa mga bata.

 

0949-824xxxx – Good day po, Idol! Hingi po sana ko ng tulong para makuha ko na po ang lisensiya ko sa LTO Calamba. Nakaatras po kasi ako ng kotse sa SLEX noong Oct. 3 pa. 3 buwan na po, ‘di ko makuha ang isensiya ko, kailangan daw po ng clearance sa HPG, kaso ayaw po ako bigyan ng pulis. Nakikiusap po ko sa inyo na sana matulungan po ninyo ako. Salamat po ng marami!

 

Ang inyong lingkod ay mapakikinggan sa programang Wanted Sa Radyo sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 p.m. Ito ay kasabay na mapanonood sa AksyonTV Channel 41.      

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.