Kotong cops sa Pasig

0906348xxxx – Sir Raffy, pakikastigo naman po ang mga kotong cops dito sa Pasig City. Doon po sila sa may Ever Gotesco nakapuwesto. Gumawa po sila ng checkpoint at lahat ng nahuli kahit walang violation ay pinapasunod sa presinto para makotongan.

 

0927370xxxx – Idol, isa po akong concerned citizen dito sa Taytay Rizal, ire-report ko lang na may mobile patrol car na nangongotong. Walang plate number ang nasabing patrol car tanging body number lang na 414. Lagi silang nag-aabang at pati maliliit na driver na nagde-deliver ng softdrinks ay hinaharang nila. Minsan naman ay kumakatok sila sa mga junk shop dito para mangotong sa mga may-ari. Sana po ay maimbestigahan ninyo ito. Maraming salamat po.

 

0933965xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dahil iyong mobile patrol car na may body number na 329 at plate number na SAJ 205 ay napakalakas mangotong. Kawawa po iyong mga pinasusunod sa driver.

 

0915508xxxx – Idol Raffy, ire-report ko lang po ang i-lang insidente ng holdapan sa may Blumentritt malapit sa Vasquez at Bautista sa San Juan. Mga tatlong taong nakamotor na may dalang hand guns ang nambibiktima. Sana po ay mapalagyan ninyo ng mga pulis sa lugar para maiwasan at mabawasan po ang ganitong mga insidente. Maraming salamat po.

 

0926596xxxx – Sir, isusumbong ko lang po noong isang gabi ay nahuli ako ng mga lasing na pulis na nakasakay sa mobile patrol car na may body number na 164.

 

0932446xxxx – Idol, sana po ay maaksyunan ninyo ang talamak na holdapan dito sa Barangay 12 sa Caloocan City. Wala naman kasing ginagawang aksyon ang mga opisyal dito upang matigil ang nagaganap na holdapan. Salamat po.

 

0906532xxxx – Sir, isusumbong ko po ang mga pulis na nag-iinuman sa isang presinto sa may Tondo, Manila dahil nambabastos kasi sila ng tao. Sana po ay mabigyan sila ng leksyon. Maraming salamat po at more power sa inyong mga programa.

 

MAPAPANOOD ANG INYONG lingkod mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5, tuwing 11:30-12:15 pm sa programang Balitaang Tapat at sa T3 naman pagsapit ng 5:30-6:00 pm.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggang sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cignal, ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny Cable at Channel 59 naman sa SkyCable. Sa Cebu at Davao, ang Aksyon TV ay nasa Channel 29.

Abangan ang isa na namang bakbakang episode ng WANTED sa TV5, mamayang gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo.

Para sa inyong mga sumbong, maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.