Korte Suprema, inutusan ang NBI na ilabas ang semen specimen sa Vizconde case

INUTUSAN NG KORTE Suprema ang National Bureau of Investigation (NBI) na patunayang pormal na nai-turn over noong 1996 sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274 ang semen specimen na nakuha sa isa sa mga biktima ng 14-na-taon nang kaso ng Vizconde massacre.

Iniutos din ng mataas na korte sa NBI na ipaliwanag ang magkasalungat nitong pahayag sa Abril 27, 2010 compliance and manifestation, na nagsasabing ang naturang edibensiya ay nai-turn over na sa RTC noon pang 1996. Gayunman, sa sulat ng ahensiya noong 1997, sinabi nito na “the specimen gathered is still existing and in the custody of the Bureau” na may petsang April 23, 1997.

Sinabi ng University of the Philippines Natural Science and Research Institute (UP-NSRI), na siyang inatasan ng mataas na korte na magsagawa ng eksaminasyon, sa sulat nito na may petsang May, 2010, na hindi pa nito natatanggap ang anturang specimen.

Sa kabila namang pagpupumilit ng NBI, itinanggi ng isang sourt staff sa Parañaque RTC na nasa kanila ang specimen.

Noong nakaraang Abril, pinayagan ng Korte Suprema ang matagal nang hiling ng isa sa mga akusado sa masaker na si Hubert Webb, na magkaroon ng DNA analysis sa specimen na nakuha sa biktimang si Carmela Vizconde.

Malalaman sa nasabing analysis kung magkakatugma ang specimen na nakuha sa biktima sa DNA ni Webb, at kung hindi, patutunayan lang niyon na inosente ito sa nasabing krimen.

Noong pang 1997, naninindigan si Webb na ang patuloy na pagkabigo ng gobyerno na ilabas ang nasabing semen specimen ay “denial of his constitutional right to due process, which entitles him to acquittal.”

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Korte Suprema, inutusan ang NBI na ilabas ang semen specimen sa Vizconde case

  1. Ang talo rito ay ang ama nang pamilya na namatay. Nawala ang buong pamilya ni Mr. Vizconde, asawa at dalawang anak. Maliban rito, nalimas lahat ang kanyang pinaghirapan dahil sa
    kaso. Parang si JOB. Sana matulungan siya nang Panginoon na gumaling naman ang sugat na tinamo nang kanyang puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.