Korina Sanchez’ Wowowee interview upsets Kris Aquino

KUNG BFF NI Ai Ai delas Alas si Sharon Cuneta, si Kris Aquino naman ang friendship niya. Nu’ng makausap namin si Kris sa taping ng kanyang Pinoy Bingo Night, hindi naman siya nag-react sa mga sinabi ng Comedy Queen. Naintindihan ni Kris kung pinuri-puri ni Ai Ai si Mega kesa sa kanya. Simple lang ang sagot ni Kris, “Kasi may movie sila.”

Sa live telecast naman ng Showbiz News Ngayon (SNN) last Wednesday night, muli naming nasilayan ang mister ni Kris na si James Yap sa studio. Parang ngayon lang ‘ata ulit sumama si James sa kanyang misis. And it’s good to see naman how very supportive ni James kay Kris. Vice versa naman dahil nag-congratule pa si Kris kay James sa The Buzz last Sunday sa kanyang three-point shot sa All-Star Game ng PBA.

Anyway, napakagaling talagang host nina Kris at Boy Abunda. Paano kasi, last Wednesday nga ay biglang nasira ang teleprompter nila sa studio para sa spiels nila. Pero nairaos pa rin nang maayos, at napakahusay pa ring nag-deliver sina Boy at Kris. Iba talaga kapag mahusay ang host ng isang programa.

Sa interbyu nga pala namin with Kris, hindi napigilan ng TV host ang maiyak nu’ng tanungin siya tungkol kina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas. Inamin ni Kris na labis siyang nasaktan sa ginawang sit-down interbyu ng magkasintahan sa Wowowee na una nang ipinangako sa kanya.

“Kasi, partly, kay Boy ako napahiya. Kasi hindi naman sikreto na si Boy from the first VTR campaign, kay Sen. (Manny) Villar siya. Ipinakiusap ko ‘to. And then, ‘yung  show kasi, ‘yung SNN, inalagaan namin talaga. And then, super-close ako sa sister niya, si Veanna (Fores). Veanna is one of my closest friends. Korina and I are super-close. So, maraming, in your line of work, alam n’yo ‘yun? If it is exclusive, aalagaan mo. P’wedeng humingi ng concessions sa ‘yo, na lahat ng pag-aalaga gagawin mo, ‘di ba?

“Hiningi ko ‘to kay Boy. Sinabi ko, come election time, you can choose who you want. Pero can you do this for me now? At least for the next few weeks. Um-okey si Boy. Kasi ganu’n kami, e. Ganu’n talaga ‘yung relationship namin. And then, s’yempre ako, pinramis nila sa atin ‘yung sit-down, lahat ng detalye. Lahat, everything.

“So, nangyari ‘yung kay Ted (Failon). It was supposed to be that week, kaya lang nangyari ‘yung kay Ted. The sit-down was supposed to be, una sa (The) Buzz or Rated K. Hindi pa sure. Pinagde-debatihan kung saan. And then, may series na pinramis sa akin. Na ako, sinabi ko kay Boy, ‘Let’s protect this exclusive and let’s give them the complete concessions, ‘di ba? And then nangyari ‘yung sa Wowowee,” lahad ni Kris.

Nagpadala ng six arrangements na bulaklak si Korina at Sen. Mar kay Kris plus a letter mula sa news anchor nu’ng Monday.

“Nagso-sorry sila and naiintidnihan ko. And sinasabi ni Mar, it’s so hard kasi, pamilya tayo and honestly, Ninang ko talaga ang Mom niya (Judy Araneta-Roxas) and for the entire time na nakakulong ang Dad (Ninoy Aquino) ko, bawat show…  Holiday On Ice, Disney… front row ako sa Araneta Coliseum, kasi naawa si Ninang Judy. I mean, it goes that back, that far back talaga. So, ako parang ang feeling ko, napahiya ako. Ang pinanghahawakan ko, ‘No he’s my kinakapatid. Atin ‘yan,'” maluha-luhang sabi pa ni Kris.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

4 thoughts on “Korina Sanchez’ Wowowee interview upsets Kris Aquino

  1. Kristeta wag ka na mag inarte over spilled milk. Para kang bago ng bago sa showbiz. Ganyan talaga kung san magbebenefit e go, go, go. Walang frendz, frendz pag pera na usapan. Tamo si Lolit solis mukhang pera hekhek hek.. Sori anti-lolit ako…

  2. wag ka na kasi mag sa ampalaya dyan… di naman nila plano ang interview sa wowowie. sisihin mo mga amo mo sa abs dahil sila nag set up ng guesting dun. Alangan naman di nila sagutin ang mga tinatanong ni papi sa kanila. You should be glad kasi super duper to the max hapi si korina at mar. Sabihin na nila na ginagamit lang ni mar si korina or vice versa at least may gamit sila sa isat isa. Good luck na lang sa kanila!

  3. wawa naman homeboy and kristeta…..sus wag k nang mag-emote ng super kc ang wowowee abs-cbn din naman…..be happy na lng ganun talaga ‘promises are meant to be broken”

Leave a Reply

Your email address will not be published.