Korina Sanchez, umiiwas sa natatanggap na batikos sa social media?!

Korina-SanchezBATIKOS ANG tinatanggap sa ngayon ni Korina Sanchez sa mga netizen dahil sa pamba-blind item na ginawa nito sa isang CNN correspondent na halata naman daw na si Anderson Cooper ang pinatatamaan niya nang sabihing mali-mali ang ipinararating na mga balita tungkol sa mga kaganapan sa Tacloban.

Sa mga report kasi ni Anderson, nabanggit nito na kaawa-awa ang kalagayan ng mga kabababyan natin sa Tacloban dahil bukod sa wala pang relief goods na nakararating sa ating kababayan, nakakalat pa rin ang mga bangkay at wala pang ginagawang aksyon ang gobyerno sa sitwasyon ng mga tao roon.

Hindi dumalo sa radio program niya kahapon at mukhang umiiwas muna sa kabi-kabilang mga pambabatikos ng mga tao sa ginawang pamba-blind item para raw madepensahan ang asawang si Sec. Mar Roxas na siyang responsable sa pamamahagi sana ng relief goods.

Napatunayang totoo ang sinasabi ng CNN correspondet dahil kamakalawa lang ng gabi nakarating ang relief goods mula sa gobyerno pagkatapos ng limang araw na walang nagawa ang mga ito at mas nauna pa ang ibang mga pribadong sektor at ibang bansa na tumulong sa mga biktima.

Korina-Sanchez

SA LAUNCHING ng 2014 Ginebra San Miguel poster, kung saan si Marian Rivera ang kanilang modelo, labis-labis ang pasasalamat ng magandang aktres dahil siya ang kauna-unahang aktres na dalawang beses na kinuhang mag-pose sa calendar ng GSM. Una niya itong ginawa noong 2009 at naulit ito para sa 2014.

‘Di naman kataka-taka dahil masasabing mas gumanda at mas sumeksi ngayon ang aktres. Aminado naman si Marian na mas mataas ang kumpiyansa niya ngayon sa sarili, kung saan bukod sa diet, alaga naman sa ehersisyo ang katawan para mapanatili ang magandang hubog nito.

Hiningan namin ng reaksyon sa mga bumabatikos sa pagkakapili kay Dingdong Dantes bilang isa NCCA Goodwill Amabassadors kasama ang iba pang artista, dinepensahan naman agad ni Marian ang boyfriend na kung inatang man kay Dingdong ang nasabing responsiblidad ay naniniwala siya na may kakayahan at kontribusyon sa industriya ang kasintahan kung kaya’t napili ito.

Masaya at kuntento sa itinatakbo ng kanilang relasyon ng aktor, siniguro ni Marian na lagpas pa sa 100% ang tiwala at pagmamahal na binibigay niya sa boyfriend. At kung sinasabi ni Dingdong na dumating siya sa tamang oras sa buhay nito, para kay Marian ay dumating din sa buhay niya ang kasintahan sa tamang panahon, kung saan tamang tao na rin sila para sa isa’t isa.

Sa balitang pagkakaayos nilang dalawa ni Rhian Ramos na nabalitang nakaaway ni Marian, ayon kay Marian ay napalaki lang ng iba ang isyu dahil wala naman talaga silang naging away ng kapwa aktres.

Isang serye ang sisimulang gawin ni Marian sa GMA, kung saan makakapareha niya si Alden Richards, ‘pag nakaluwag-luwag ang sked niya ay isang sitcom naman ang sisimulan niya muling gawin.

Isa sa mga artistang tumutulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda na halos bumura na sa mapa sa Leyte, bukod sa magkakaroon ng auction sa mga damit niya, alam namin na may mga plano sina Marian at Dingdong kung paano higit na makatulong pa sa mga kababayan nating nasalanta ng nasabing kalamidad.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

8 thoughts on “Korina Sanchez, umiiwas sa natatanggap na batikos sa social media?!

  1. Hay, kapaaaalll ng mukha ni Korina pinalabas ni yolanda ang totoong kulay nya. wag ka na magpakita at mag anchor sa news di ka kapani-paniwala! Adobe na sa kapal ang mukha moh kung lalabas ka pa sa telebisyon maging maybahay ka na lang linisin mo dumi ng asawa mong si Roxas

  2. inuna kc n koring ang magtaray eh, kaya yan ang napala niya nagbomeerang s face niya yong kanyang cnabe, gusto kc yata n koring puro magandang feedback lang, at gusto ata makontrol ang media. imbis mapalapit s mga tao c koring lalong kinainisan.

  3. hoy Korina! may namatay na 88-year-old man sa kaiintay dumating ang relief goods. kaso di na kinaya ng powers nung matanda kaya namatay na sa gutom at pagkauhaw. o anong masasabi mo ngayon? masasabi mo pa bang hindi totoo ang nireport ni Anderson Cooper?? kapal ng mukha mo! journalist ka pero naging pulitiko ka na rin dahil sa asawa mo! pati paniniwala mo sa RH Law hindi mo man lang itinago. panay pagtatanggol mo sa batas na yan sa radio program mo. Hindi mo ba alam na dapat ang journalist ay WALANG KINIKILINGAN – WALANG PINOPROTEKTAHAN??? WALANG-WALA KA KAY MEL TIANGCO! siya, pumupunta mismo kung nasaan ang disaster para makapagreport siya ng TAMA! e ikaw? lagi ka lang anjan sa de-aircon mong kwarto sa abs-cbn. puro ka lang nagbe-base sa mga balitang inaabot sayo na hindi mo vineverify kung totoo o hindi! HINDING-HINDI KO IBOBOTO ANG ASAWA MONG PULPOL!!! HINDING-HINDI KITA BIBIGYAN NG CHANCE NA MAGING FIRST LADY! AYOKO SA FIRST LADY NA BIASED! AYOKO SA FIRST LADY NA TANGA!!!

    • hahahahha ang masama ang ugali,,,hahahhaha tanong ninyo sa mga naging Katulong niyan, kung gaano kasama ng ugali niyan,,,pati T.V. crew niya sa Rated-K, parang Alipin ang turing niya,,hahahhaa..PLASTIC yan,,,,,hahaha pati Face niyan Plastic ( dahil nagpapa plastic surgery yan, nawasak ang mukha niyan dati, sa isang aksidente )…

  4. he he nasaan na kaya yung mga maka abs cbn dito ,,,hahahah mga Fantaratot ipag tangol naman ninyo si Korina,,,pinuputakti na sa Net hahahahah Jessica Soho—-Sebisyong Totoo……..Korina Sanches——Perwisyong Totoo…hahahahha

  5. Korina is News reader and tabloid columnist, while Anderson Cooper is a field reporter of high caliber,,he he saan kayo sa kanila

  6. nyahahahhah yan ang napala niya,,,ang babaeng,,,puro tsinelas ang nasa utak,,,bwahahahaha,,,katakot takot na batikos ang natangap niya,,,CYNTHIA ba siya, kung ikukumpara kay Anderson Cooper ng CNN, makakatotohanan naman ang report niya, tungkol sa pagiging dis organized ng Gobyernong ito…pinagtatangol niya lang ang kanyang Asawang si Mar,,na wala ring ginawa kundi magpa Press release,,,silang dalawa ni Kris,,,ang pinatatawanan ngayon,,mga pro-pnoy kasi,,palpak naman,,,aminin na lang,,,na hindi sila prepared sa sitwasyong gaya nito,,,he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.