Korina Sanchez, may silent war kina Kris Aquino at Karen Davila?!

OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka! Umpisa na naman ang pasabog mula sa mahaba-habang bakasyon. Ang iba ay pabalik pa lang mula sa kanilang probinsiya, at kami naman ay nagkukumahog sa dapat na mga pasabog na mga chikka. Alam kong gutom na ang aking readers sa mga kakaibang intriga rito sa aking column, kaya umpisahan na ang maiinit na tsimaks!

Kung natatandaan n’yo ang pitik-bulag ko nu’ng nakaraang araw, na ang tatlong K na pinagmamalaki ng kanilang network ay hindi magkakasundo, ‘eto na, parang totoo nga ang aking obserbasyon. Kasi nu’ng mga nakaraang araw, nakakuha ako ng basehan na dapat banggitin ko na ang panggalan nila, kasi halatado ko na totoo ang tsismis sa kanila. Bakit?

Una, nu’ng nagpa-interview si Kris Aquino kay Ted Failon sa TV Patrol, kasama ang tatlo niyang kapatid na sina Pinky, Ballsy at Viel nu’ng kasagsagan ng away ni Kris at James Yap. Natatandaan ko nu’ng 2003, nu’ng unang umiyak si Kris at ang nag-interview ay si Korina sa away nila ni Joey Marquez at ang kasama naman ni Kris ay si da-ting Pangulong Cory Aquino (RIP).

Nagtataka lang ako, bakit si Ted Failon ngayon ang nag-interview kay Kris at bihira lang namang lumabas sa studio si Ted, ‘pag may mga ganitong kaso, at si Korina ang nasa studio kasama si Henry Omaga Diaz. At bago matapos ang panayam ni Ted, nakiusap ang isa sa kapatid ni Kris, si Ballsy, na ipagdasal natin na maayos itong problema nina Kris at James.

Pagbalik ng camera kina Korina, never nag-comment at ang sabi lang niya sa kanyang co-anchor, marami akong dalang rosaryo galing Rome, at may basbas ni Pope Francis. Kung sino raw ang gustong humingi sa kanya, bibigyan niya at magdasal tayo.

Nakarating kasi sa akin na matagal na talaga ang sigalot nu’ng dalawa mula pa nang matsugi ang kanilang morning show. At mula noon, lagi silang nag-iiwasang magkita. Kaya siguro, ‘pag matuloy si Kris sa pagpapaalam nito sa showbiz, isa sa matutuwa ay si Korina. Kasi baka sa kanya na mapunta ang tinaguriang Queen of Talk Media na binansag ni Boy Abunda kay Kris.
Pangalawa, itong si Korina at Karen Davila na kung saan hindi mo man lang makita sa TV Patrol si Karen. Kung wala si Korina, tulad na lang nang siya ang nag-cover ng pagpunta niya sa Vatican para magkaroon tayo ng bagong Santo Papa, hindi siya ang humalili kay Korina na dati-rati, nu’ng wala si Korina si Karen ang nasa TV Patrol. Kaya sa Bandila na lang ang pobreng si Karen kasi parang ayaw ni Korina na si Karen ang humalili pansamantala sa kanya.

Isa pa, na ang dalawang ito ay laging nag-iiwasan sa newsroom ng ABS-CBN. ‘Pag alam daw ni Karen na darating si Korina, lalabas daw ito at ayaw na ayaw silang magpang-abot, baka raw magkaroon ng komosyon. Kung ito man ay totoo, ano ang rason? Bakit hindi sila magkasundo? Palagay n’yo, insecurity? Kasi mas bata at may ibubuga itong si Karen. Kahit sa DZMM program nila, never kong nalaman na pansamantalang si Karen ang humalili sa kanya. Pero nu’ng nawala si Korina sa radyo, napunta halos lahat ng program ni Korina kay Karen.

Pero kung si Kris at Karen ang inyong tatanungin, ang sagot ko, malay. Kasi wala naman akong nakikitang tulad nitong mga inilahad ko sa inyo, ito ay akin lang opinyon. Palagay n’yo?

 

AT SIYEMPRE para sa more chikka more fun kung nabitin kayo sa chikka ko, ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po, 12nn-1pm, kasama ko sina Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily, 11:30am. At ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio U.K. Simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France. Ola Chikka na! God bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

32 thoughts on “Korina Sanchez, may silent war kina Kris Aquino at Karen Davila?!

  1. Karen VS Korina
     — Matagal na yan, nung pinalitan ni Karen si Korina sa TV Patrol, matagal ng issue na nagalit si Korina kay Karen nun, from then never na acknowledge si Karen by Korina. Kung mapapansin niyo, kahit ilang beses na pinapansin ni Karen si Korina, deadma ang lolang Koring niyo.

    Kris VS Korina
    —- This is new lang, the Aquinos did NOT use Korina & Mar, remember naging cold ang entire Aquino sa mga Binay when Binay won as VP, kasi ayaw nilang mag celebrate with the Binays coz Mar lost. They were okay pa naman then, until now. If I am not mistaken Kris & Mar have constant communication si Korina lang ang umayaw kay Kris, still palaisipan WHY?

    Honestly, I’m not surprise at all kung may kagalit si Korina, that’s her persona. All the staff under Korina’s direction are complaining about her bad attitude. Nagwawala daw yan pag nagkakamali ang staff niya. 

    Anyway, the three of them are doing great in their respective chosen fields. :))
     

    • FYI the AQUINO’s except PNOY betrayed Mar and his family.. Di ba nga na link pa si Kris kay Jun Jun Binay? Eh ang pamilya nga ni mar all out support kay Pnoy nun. Si Kris naman ang nanguna sa kanila ok na din na hindi sya pinapansin ni Korina  eh kahihiyan lang naman ang binibigay ni Kris baka madamay oa s Korina. 

  2. Wala akong comment dahil I have no first hand info sa tutuong nangyari o kung tutuo nga. Pero I like all three and they are all good in their own field of reporting and hosting. Pero siguro mas may advantage sa akin si Karen dahil sa field reporting at krusada niya. Walang ere pag pinapadala sa maski maruruming lugar. You can’t send Korina and Kris in these places dahil baka mandiri sila. Another host that I like is Bernadette Sembrano.

  3. weh ano naman kung may iringan ang tatlo? natural lang naman yan sa mga kompanya. workplace politics ang tawag dyan at makakatulong yan para pagbutihin ng mga empleyado ang mga trabaho nila. ikaw swarding marami ka rin naman taong kinaiingitan kaya inaaway mo di ba?

    eh ano naman kung si ted failon ang nag-interview kay tetay? wala ba siyang karapatan mag-interview? eh ano kung di nag-comment si korina? baka naimbyerna na sa katatayo ng naka-heels sa paghintay na matapos sa mahabang interview ni tetay.

    ang mahalaga, hindi nagsasampalan at nagsasabunutan sa harap ng kamera ang mga hitad na ito!

  4. bibigyan daw ni korina ng rosaryo galing rome at may basbas ng bagong papa ang may gustong humingi, including karen and kris.

  5. asthmatic ba si karen davila? kasi sa bandila at sa headstart, , kung minsan nawawalan sya ngahangin pag nag sasalita. kilangan nya ng good breathing technique.

      • nasosofucate sya sa tension in the air… coz until now di parin naman sya accepted ng ilang taga Dos… I don’t know there is something off with her… i just can’t figure it out… though magaling naman sya… and i do like her basta there’s something lies beneath her… tampons ata? hahahaha

      • MAS PLEASANT TO WATCH SI KAREN SA SHOW NYA SA ANC. PERO SA BANDILA? HAAAAYYY…LOOK NA LANG SA SKY!

  6. Eto ang sagot dyan:

    Naalis nuon si Ms. Korina Sanchez sa TV patrol dahil nilakad ng asawa ni karen na executive producer nuon ng TV patrol at inoohan ni Maria Ressa kaya napatanggal si Korina at ipinalit nga ang asawa nya! at para me pakonswelo ke korina “ipinomote” sya as Chief Correspondent ni maria ressa! at inilagay sa late night news! which was painful fro korina it was a demotion! sya ang isa sa original at pioneer sa TV Patrol sya pa ang inalis at ipinalit ang pinirata! Its was like a sampal sa mukha ni Korina! During the time ni Ressa at Head ng News Dept ng ABS nagkawindang windang at bagsak lahat ng News Program nila! simula nung ishuffle ni ressa ang news dept nila they went in the drain rating was all time low… tsugi lagi ang late night shows nila! But The only show that did well yung sunday prog ni korina na Rated K! Now When Ressa resigned at was replaced by Ging Reyes the first thing she did was to she put together the original cast ng TV Patrol and it worked! tumaas muli ang ratings at ad load ng TV Patrol! and she put karen back to where she was before! in the late night news!

    Now yung sa radio prog na sinasabi ni swarding hindi talaga dahil pang umaga si korina at pang hapon naman yung ke karen! kaya they will never collide.

    About Kris I think what made their friendship tarnish is politically inclined na… remember! dapat si Mar ang tatakbong presidente kaya nga minadali nila ni Mar magpakasal diba?! but things went 360 degrees turn when cory died ang had a huge pressure for noynoy to run! kaya naunsyami ang pagiging 1st lady sana ni korina! and Kris did had some choice of words that really hurt Mar and Korina! plus the fact na hindi naging 100% ang suporta ng mga aquino ke Mar while Mar and Korina gave their 100% support for them! kaya it was painful and bitter for Mar and Korina to shallow… and He lost… and as a pakunswelo again binigyan na lang si Mar ng posisyon sa Gov’t… in short pinalastik at ginamit ng mga Aquino sila Mar at Korina… sakit nu?! kaya since then they were just civil and polite nalang with each other!

    Now Kris and Karen are now in Good terms coz sabi nga nila diba my enemies enemy is my friend?! and that what kris did… she befriended Karen… but before kris was mataray at snobish kay karen… when karen, ted and julius was a guest in the buzz nuon promoting the TV patrol that they will be hosting Kris told karen on national Tv na “ang hirap magpakashowbiz no?” which karen just smiled… but now things changed!

    Now that Kris is again at the center of a controversy sa DAMI NG PROBLEMA NG BAYAN at gusto pa yata nya isali sya dun! i know Korina is smiling and saying to her self “KARMA IS A BITCH” BITCH! LOL

    • HOMAYGASH! GALING MO, TEH! IKAW NA TLG! NAPAG-KONEK-KONEK MO LAHAT. PERO TEKA, FORCED RESIGNATION BA SI MARIA RESSA SA ABS DAHIL KAY PNOY KASI SA IRRESPONSIBLE JOURNALISM DAW NILA NUNG TIME NG HOSTAGE CRISIS INVOLVING THE CHINESE TOURISTS? HOMAY! KALOWKAH RIN ANG NEWS AND CURRENT AFFAIRS DEPT!

      • in a way parang na pressured si Ressa na magresign aside from the fact na nagkawindang windang ang ABS CBN news department dahil sa kagagahan nya at kaka shuffle ng mga anchors at wrong decisions sa mga nilikhang news programs syempre for delicadeza nag”retire/resigned” sya…

        Nga pala Did you know na dating me isyu din kila Cez Drilon at Karen???
        Here it goes…

        When Korina was ousted and was forced to step down as the TV Patrol Anchor it was Cez Drilon who told Korina not to cry and be strong show them na matatag sya… Korina and Cez are good friends along qith her kumareng Doris Bigornia… So there was a time na nagdededmahan sila Karen at Cez asdie from the fact nga rin na Cez was a true blooded ABS CBN at close friend pa ni Korina sya pa ang laging na seset aside! yun pinirata pa ang priority ni ressa ilagay sa TV Patrol na Flag Ship ng ABS CBN! Sakit diba!? Pero ngayon keri na sialng dalawa yet at some point you can still feel na me GAP or a bit a thin line between the two ladies in Bandila! if you don’t believe me watch Bandila… you can feel and see ang “PLASTIKAN” nilang dalawa!

      • NAKOH, KALOKAH ANG MGA PASABOG MO HA. AKO, I LIKE CES KASI PARANG JUICE MIO, HIGH SCHOOL PA LANG YATA AKO EH NASA ABS-CBN NA YAN PERO PARANG DI SYA GANUN KA-SIGNIFICANT SA NETWORK. PARANG MAS MATAAS TLG SA KANYA SI KORING. ITONG SI KAREN ANG PARANG WALA LANG. SHE JUST DOESN’T HAVE THE “IT” FACTOR. SO, ARE YOU SAYING NA LAHAT SILA, GUSTO TLG SA TV PATROL? HAHAHAHA. AS A TV PERSONALITY, I ALSO LIKE KORING. MAGALING SYA, KESYO IPASAK MO KAHIT BAKYA O SOSYAL NA SHOW. ENGLISH O TAGALOG, KAYA NYA. 

        EH SI DORIS, BAKIT BIGLANG NAG-APPEAR NGAYON? 

      • Nagtransfer kaya ang hitad na yan sa PTV 4! hahahaha ewan at napadpad muli sa dos hahahahaha ang rival naman nya eh si susan enriquez ng gmewwww hahahaha

      • syempre teh Primetime and TV Patrol at sa Oras na yun mas maraming nanunuod at dun mismo ang labanan ng mga big players sa mga news department ng ibat ibang station! Flag Ship ng home networks nila! Sorry na alng sila powerful si ate korina eh! isama mo pa si kabayan at ted na close ke ateng korina :) nganga sila hahahahaha Didin’t you notice si Cez pwede mag sub ke korina sa TV Patrol pag wala sya kesehodang me Bandila rin ang hitad sa gabi at me basbas sya dun BUT NEVER na nag sub sa kanya si KAREN! hahahaha kasi iaaproved muna ni ateng korina ang magsusub sa kanya eh syempre wala sa short list si karen with the rivalry and animosity in the air between them NEVA!

      • HAHAHA. TRULILI KA JAN. SI CES NAKAKAPAG-SUB KAY KORING, PERO SI KAREN, WALEY. NAKOH, TAMA NGA YATA ANG MGA KWENTO MOH. AT SI DORIS BEGORNIA? HAHAHAHA. DI KO ALAM NA LUMIPAT PALA NG PTV4 PERO BUMALIK DIN? NATAWA AKO SA SINABI MO NA KA-LEVEL NYA SI SUSAN ENRIQUEZ. HAHAHA

      • YAHAHAHA NAGKATAON LANG NA TAPOS NA ANG TERMINO NI BOPOL NOLI AT HINDI NA SIYA NAGTANGKA PANG KUMANDIDATO PA BILANG PRES…NA PWEDE NAMAN NIYANG GAWIN,,,,WITH BACKING OF LOPES,,,NAG DECIDE NA HUWAG NA LANG,,,AT SALAMAT NAMAN..DAHIL BOPOL TALAGA SIYA…HAHAHHAHA KAYA NABUO ULI YANG ORIGINAL T.V. PATROL,,,,NAGKATAON LANG YUN,,,,HAHAHAHHA PERO GANYAN PA RIN ANG ISTILO NG SITWASYON NGAYON SA NEWS DEPT,,,,,,WALANG PAGBABAGO…HAHAHAHAH,,,MAY MGA NAALIS,,,,,YUNG DALAWANG MARIA….DATI TATLONG MARIA YAN…HAHAHA…..MAS LUMALA PA NGA NGAYON,,,HAHAHAH ANG DAMING NAGKA SUNGAY,,,,,DATI YUNG PANAHON NI MARIA REZA…..YUNG IBA PINAPUPUTOL…..ALAM NINYO BA,..KUNG BAKIT KINUHA YAN DATI NI PAPAGABBY,,,AT ILAGAY SA NEWS DEPT,,,DAHIL. PARA MASUWETO ANG MGA PASAWAY DIYAN,,,HAHAHA KASO,,,MAY MGA BAGAY NA NAGAWA YATA SI REZZA, NA MARAMING NAINGIT,,,HAHAHA NAPAGKAISAHAN,,,,HAHAHAH

    • BRAVO 2 u mariantuod usaid it all…kyapala sobra tlaga ang galit ni lola koring k karen, i remember da times na ngcocover c karen sa labas at nasa studio c lola koring khit anong kausap ni karen sknya e dedma 2damax ang lola koring like nung burol ni fpj kahit anong sbini karen na “yes korina para mgtanong nasi koring ayaw nya tlaga mgsalita at pinababayaan nlng nya c karen na halatang napapahiya na…wile c tetay naman emy pgkaplastic tlaga yan…sbipa nya dati forever friends daw cla ni koring pero iniwan nyarin sa ere c koring…hayan 2loy  puro controversy na naman ang buhay ni lola tetay…

      • Korina will never acknowledge Karen lol kahit pa maglupasay si Karen she will never ever acknowledge her! After what she and her scheming husband did to her? NEVA! lol and i know wala na sa ABS and asawa ni karen nasa TV5 na! diba before nagkaron ng issue na nagpapalipad hangin si karen about transfering to TV5 but sad to say madami ring kumontrang taga TV5 mismo sa balitang yun! kalowka! hinarang mismo ng mahaderang luchi cruz at ni ate paolo bediones! lol isama mo pa yung me under ar odor na si cheryl cosim hahahah panu nga naman kabago bago palang rin nilang lipat eh nagbabalak nang magmaganda si karen sa bago nilang teritoryo! at syempre pag bagong pirata ang ibibigay at iooffer eh mataas na posisyon diba??? alangan naman yung posisyon na mas mababa pa sa iiwanan ni karen ang ibibigay nila hahahahah kaya ayn tiis tiis lang muna si ate karen! after all may radio at ANC progs pa sya! kaya keri na rin for her hahahaha

      • HAHAHAHA. KALOWKAH ANG MGA PASABOG MO, TEH! MAHADERA BA SI LUCHI CRUZ? JUICE MIO, AKALA KO TIVOLI ANG LOLA GAYA NI RESSA.

      • C ateng Luchi kaya nag transfer sa TV5 kasi she has noting to exceed sa posisyon nya sa ABS! di sya pwede mag head dun ng buong department dahil si ging reyes nga ang humalili ke ressang palpak! so stock sya sa posisyon nya…. eh ambisyosa ang luchi lumipat ng TV5 para makamtam nga ang pangarap nya hahahahah syempre kawawa yung mga taga TV5 na pioneer na sa kanila since way back before pa na over looked sila… :( at isang taga rival station pa ang maghehead sa kanila…. ang posisyong di nakuha ni luchi sa gmeeewwww at abs nakuha nya sa tv5 kaya bingo! :)

      • YAHAHAHAH…..TAMA PALA BULONG SA AKIN NI TITO ALFIE,,,HAHAHAH MAY MGA MASASAMANG  ESPIRITO DIYAN SA ABS CBN,,,HAHAHAHAH…..SILA SILA NAGBABANGAYAN…SILA SILA NAG IINGITAN…YAHAHAHAH SILA SILA NAGKAKAGATAN,,,HAHAHA REMEMBER YUNG GINAWA KAY MEL TIANGCO…AT KAY JAKE MADERASO…LATELY ITONG KAY ALEX SANTOS…HAHAHAHHA……AT SA MARAMI PANG IBANG PIOONEER DIYAN,,,,HAHAHAHAH……….KAYA PALA SA KANILA ENTERTAINMENT DIVISION,,,,,PALAKASAN DIN NG KAPIT…HAHAHAH GRUPO GRUPO…KAYA PALA YUNG ISANG PIONEER NG GMA7 NA NA PIRATA NILA, AT KASALUKUYANG MAY MATAAS NA POSISYON DIYAN SA NEWS…AY BALAK NG MAG RETIRED  HAHAHAH….

      • PALAISIPAN PA RIN SA KIN YUNG PAGKAKASIBAK KAY ALEX SANTOS. ANO BANG KAPALPAKAN ANG NAGAWA NYA? SAN SYA LILIPAT? KALOWKAH RIN ANG INTRIGA SA NEWS DEPT.

    • totoo lahat yan, mariantuod, niyari nila si korina sa news and current affairs, ..pero sa pagkakatanda ko, si luchie cruz valdez ang may pakana niyan noong siya pa ang head ng current affairs bago dumating si ressa at mukhang ganon din ang gusto ni ressa na mangyari kay korina, kaya ipinagpatuloy na lang yung sinimulan ni luchie, talagang wala akong kagana-ganang manood noon ng tv patrol, 

    • di mo ba lam na naiiyak c kris dahil akala nya friend ang turing sa kanya ni koring, noong n=magpapakasal cla ni mar akala ni kris sa kanila unang mag papainterview c koring pero sa wowowie cla nag punta.galeng nila KKK

      • AY REMEMBER KO YAN. NAGING ISSUE YAN. PALIBHASA, PANG-MASA ANG WOWOWEE NOON. HAHAHA. MAY POLITICAL AGENDA ANG DALAWA.

      • Eh kasi nga Mar has plans noon for Presidency, ayun, iniwan si Kris Aquino at kay Willie nagpa-interview.

  7. ANG GANDANG PAGSAMAHIN NG TATLO SA ISANG SHOW…K3 PARANG T3 NG TULFO BROTHERS SA TV5. K3—KORINA,KAREN AT KRIS ….

  8. oo nga naman …ni minsan sa isang event kahit sa abs-cbn di mo talaga mapagtabi ang tatlo or mag-guest man lng sa kanilang tv or radio shows.Bakit kaya ?sagutin nyo ako? pwede ba…!

  9. NAKOH, GUMAGAWA NG INTRIGA SI TITA. SABAGAY, BAKA MERON NGANG IRINGAN SA TATLONG YAN. WAG KA NANG SUMALI SA SIGALOT NG TATLONG ‘K” NA YAN. BAKA AWAYANG GIRLALU LANG YAN NA NAPAKABABAW. GUSTO MO BANG MAKIGULO? IKAW TLG, TITA KWARDING! HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.