Korina Sanchez, magpapahinga muna sa trabaho para mag-aral

Korina-SanchezAMINADO SILA na late ang labas ng release cum announcement na magli-leave of absence si Korina Sanchez sa kanyang radio show sa DZMM.

Nang maunahan ang ABS-CBN Corporate Communications sa mga balitang napatalsik si Ate Koring sa radio ng Kapamilya Network, parang sunog na kumalat na ang balitang pagkatsugi ng Senior News Correspondent ng ABS-CBN.

Ilang araw lang na delay ang pagbabalita mula sa kampo nina Sir Bong Osorio, Sir Kane Ochoa at Aaron Domingo lalo pa’t sa last episode ng programa niyang Rated Korina na pansamantalang si Jasmine Romero ang nakaupo (for the last few weeks ng show habang nasa Visayas si Ate Koring noon to do her Rated K episodes) hindi nilinaw ni Jasmine na huling yugto na ‘yun ng programa ni Ate Koring na nagsisimula ng alas-diyes ng umaga.

That Friday morning, guests pa nga sina Amy Perez at Marc Logan to promote their radio show na Sakto Lang na siyang pumalit sa programa ni Ate Korning.

Nilinaw ni Sir Kane na sa pag-leave of absence ng pamosong broadcaster, mas magko-concentrate si Ate Korning sa kanyang graduate studies sa Ateneo de Manila University.

‘Yong mga lumabas na balita na sa London siya mag-aaral ay isang kuryente dahil ang taga-ABS-CBN na nasa London ngayon para mag-aral ay ang Senate Reporter ng News and Current Affairs na si Ryan Chua.

Pagbabalita pa nina Sir Kane at Arron na tuloy pa rin ang Rated K show ni Ate Korning every Sunday na nalipat lang on a later time para maipasok naman ang Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

For 2014, ang daming mga bago sa Kapamilya Network pauna na ng mga kausap namin noong Biyernes ng hapon na dapat abangan ng publiko.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.