Korina Sanchez, dusa sa Wedding preparations by Cristy Fermin

PARANG BOLANG TUMATALON-talon ang boses ni Korina Sanchez sa huli naming pag-uusap. Ramdam mo ang sobrang excitement sa kanyang pagkukuwento tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Senador Mar Roxas. Pero para siyang bata na nagbibilang na ng mga araw ngayon, dahil malapit na siyang mamaalam sa pagiging single.

“Noon, ang akala ko, e, napakadaling magpakasal. Magpapagawa ka lang ng wedding gown at imbitasyon, aayusin n’yo lang ang simbahan at reception and that’s it!

“Pero dyusko! Napakahirap palang magpakasal! Napakaraming inaayos, aasikasuhin mo ang ganito at ganyan, napakarami mong kailangang kausaping tao, malaking oras na pala ang kinakain sa paghahanda pa lang,” simulang kuwento ng palabang news anchor.

Kumpirmado nang gaganapin ang kasal sa October 23, dumaan pa sa proseso ng feng shui ang napili nilang petsa, para silang mga bata na nag-two plus three equals five na napakasuwerteng kumbinasyon daw ng mga numero dahil pataas isinusulat ang number 5.

“Pero ang simbahan, we’re still going around, naghahanap pa rin kami ng iba pang simabahan, pero nakita na namin ang Sto. Domingo Church at ang Manila Cathedral.

“Maraming suggestions, maraming nagsasabi na malaki rin ang ganito at ganyang simbahan, ang problema lang, pagkalalayo naman! Gusto sana namin ni Mar, ‘yung hindi na bibiyahe nang malayo ang mga bisita papunta sa reception,” dagdag na pahayag ni Ate Koring.

Personal niyang inaasikaso ang mga detalye ng kanilang kasal, gusto niyang ayos na ayos ang lahat. ‘Yun talaga si Korina kahit sa pagpapatakbo ng kanyang mga programa.

Ito ang mga panahong halos sandaling-sandali lang ang kanyang ipinagpapahinga dahil sa umaga ay kailangan niyang makipagmiting sa designer. Sa hapon naman ay kailangan nilang upuan kung anu-anong putahe ang ihahain nila sa mga bisita. Nagsisimula ang umaga at natatapos ang kanyang maghapon na halos hindi niya nararamdaman.

“Kung meron pa sanang extension ang 24 hours!” Tawa nang tawang sabi ni Korina Sanchez.

SINAGOT NA NG ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang ehekutibong si Ms. Socorro Vidanes ang reklamong isinampa ni Chairman Consoliza Laguardia ng MTRCB sa KBP tungkol sa diumano paglabag ni Willie Revillame sa Section 3 ng P.D. 1986.

Idinepensa ng ABS-CBN si Willie tungkol sa usapin at kinatigan nito ang unang pagbibigay-katuwiran ni Direk Johnny Manahan sa naipit na aktor-TV host sa situwasyon.

Narito po….

Dear Ms. Gozum:

We write in reply to your letter dated 10 August 2009, requesting ABS-CBN Broadcasting Corporation to comment on the complaint of Movie and Television Review & Classification Board (MTRCB) Chairperson Ma. Consoliza P. Laguardia dated 10 August 2009, and an undated statement of Jerry Yap, President of the Alyansa ng Filipino Mamamahayag (AFIMA).

The said complaint and statement both refer to the 03 August 2009 episode of the television program Wowowee, wherein the funeral cortege of the late President Corazon C. Aquino was exhibited as an inset in portions of the said program. The MTRCB letter alleges that Mr. Revillame “appeared to arrogantly demand the removal of the inset screen showing the funeral cortege.” The Honorable MTRCB Chairperson then opined that the said act was “desecrating the dead” and, thus, “seems to be in violation of Article 20, Section 2, of the Broadcast Code of the Philippines.” On the other hand, the AFIMA statement states that “[f]or him to demand the removal of the little window screen showing the funeral march of the woman who got ABS-CBN back from Marcos is a blasphemy of democracy, an act despicable x x x.” It appears, therefore, that the complaint and statement are both based on the alleged disrespect by Mr. Revillame to the late former President Aquino.

It is ABS-CBN’s position that there was no disrespect of the dead by Mr. Revillame. When the funeral cortege of former President Aquino was shown as an inset during Wowowee, Mr. Revillame expressed his opinion of the inappropriateness of the simultaneous exhibition of both the funeral cortege and Wowowee, and his preference that only one or the other be shown.

In expressing his opinion and preference, though, Mr. Revillame did not show disrespect for former President Aquino. In fact, the contrary is true. In making his statements, Mr. Revillame wanted to give due respect to former President Aquino and her funeral cortege.

Indeed, in Filipino culture, customs, and tradition, ceremonies involving the dead are solemn and sober. Thus, the laughter, jokes, and happiness usually seen in a program like Wowowee would appear to be inappropriate when viewed together with the funeral cortege. On the one hand, the Filipino people are mourning the death of a loved and respected former President, and on the other hand, Wowowee is trying to entertain its audience.

It appears, therefore, that Mr. Revillame’s issue was with the inappropriateness of Wowowee and the funeral cortege being shown together, and not with the funeral cortege itself. While it may be argued that Mr. Revillame could have expressed his thoughts in a better way and that it would have been better to raise them privately, instead of the public manner in which he did, such was not disrespectful of the dead and does not constitute an offense under the KBP Broadcast Code of the Philippines.

We trust the foregoing comment satisfactorily establishes that there was no violation of the KBP Broadcast Code of the Philippines.

Very truly yours,
MA. SOCORRO V. VIDANES
Head, Channel

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

3 thoughts on “Korina Sanchez, dusa sa Wedding preparations by Cristy Fermin

  1. ano pa ba ang asahan natin..cgurado nman tlagang dedepensahan nnman ng ABS c Willie..in short tuloy ang ligaya ni willie..tuloy ang bastusan, pagpagpapahiya sa staffs, panghihiya sa mga contestants..mas lalo syang magiging mayabang dahil pinawalang sala uli sya ng ABS khit may nakitang mali ang MTRCB at KBP..sayang khit makaEB ako nageenjoy na ako sa panonood ng wowowee dhil keri nman nina pokwang ang show..wlang nambabastos sa mga contestants at staffs..walang kaplastikan ang paghohost ni pokwang..

  2. Salamat naman at nagiba ka na nang topic. Nakakaumay na ang willie nang willie, akala mo kung sinong hero. Nangurakot lang nang kayamanan niyang kung saan. Di hayaan, nakarma na ang boss mo cristy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.