Koreanong Pastor, Patay sa Ilog

PATAY NANG matagpuan ng kanyang kaanak ang isang Koreanong pastor matapos malunod sa ilog sa lalawigan ng Tarlac kamakalawa ng umaga.

Base sa report ng Tarlac City PNP sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Pastor Wonjun Cho, Korean national at pastor ng Minister of Kingsway Fellowship International Philippine, Inc. at naninirahan sa Angeles City, Pampanga.

Sa pahayag nina  Arthur Onogon, 22-anyos, single, teacher, residente ng 30 14 St. 3 Carmen Vill, Cut-Cut, Angeles City, Pampanga; at Pastor Wilfredo Reyes, 46-anyos, married, residente ng Brgy. Nambalan, Mayantoc, Tarlac, na pawang mga miyembro ng Kingsway Fellowship, alas-11 kamakalawa nang mangyari ang insidente sa ilog na sakop ng Brgy. Labney, Mayantoc. Mas pinili umano ng biktima na suungin ang rumaragasang ilog kaysa sa tumawid sa hanging bridge sa kabila ng pagpigil sa kanya ng dalawang kasama.

Subalit matagal na umanong nakatawid ang dalawang kasama ng biktima ay hindi pa rin nila nakikita si Cho kaya kanila na itong hinanap katulong ang ilang barangay official.

Makalipas ang halos dalawang oras o pasado ala-1 ng hapon nang kanilang makita ang biktima na wala nang buhay at lumulutang sa gilid ng ilog.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.