Koreano, nilamon ng talon

ISANG 24-ANYOS na Korean student ang nalunod sa ilalim na bahagi ng ta-lon habang naliligo kasama ang dalawa pa nitong kababayan kamakailan sa Barangay Tupa, Bolinao, Pangasinan.

Base sa ulat ng Pangasinan Provincial Police Office, kinilala ang nasabing biktima na si Hyung Ho Kwon, estudyante ng CNC International Language School sa Baguio City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Bolinao police, dumating si Hyung sa lugar kasama ang mga kaklase na sina Jong Ha Kim, 19, at Young Myoung Kim, 19, mula Baguio para mamas-yal at nakatuwaang maligo sa talon.

Naunang umahon ang dalawa at nagpaiwan pa ang biktima para magbabad sa tubig.

Hindi pa nagtatagal ay nagkakaway na ang mga kamay at nagsisigaw si Hyung para humingi ng saklolo mula sa malalim na bahagi ng talon.

Agad na humingi ng saklolo ang dalawa sa drayber nila na siyang lumusong para hanapin ang biktima sa ilalim ng tubig.

Samantala, isinugod sa Bolinao Medical Hospital ang dayuhan pero idineklara nang dead-on-arrival.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.