Koreano, Nalunod sa Boracay

NAUWI SA TRAHEDYA ang bakasyon ng isang Korean national nang malunod ito sa Boracay Beach sa bayan ng Malay, Aklan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Sin Seung Woo, 22, binata at umuupa sa Peninsula Beach Resort sa Bgy. Balabag, Boracay.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) 6, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat sa harapan ng Boat Station 2 sa naturang lugar bandang alas-4:30 ng hapon noong Miyerkules.

Kasama ang nobya nito ay naglalangoy sa bahagi ng karagatan ng pamosong resort ang biktima pero matapos ang isang oras ay iniulat na nawawala ito.

Makaraan ang paghahanap ay narekober ang bangkay ng biktima at inilagak sa Cubay Funeral Homes sa By. Cubay Norte.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.