KOREANO, BUGBOG-SARADO DAHIL SA BENTE PESOS

BUGBOG-SARADO ANG ISANG Korean national makaraang tumanggi na magbigay ng bente pesos sa isang barker o tagatawag ng taxi sa Lapu-Lapu City.

Nagpapagaling ngayon sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktimang si Cha In Sung, 40, at pansamantalang nakatira sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng Queensland Hotel sa So Sangi, Bgy. Pajo.

Sinasabing lumabas sa hotel ang biktima kasama ang hindi nakikilalang babae kung saan tumawag ito ng taxi.

Nang makasakay sa taxi, lumapit ang suspek at pilit na nanghihingi ng pera na tinanggihan naman ng  biktima.

Dahil dito, nairita ang suspek at binugbog ang biktima saka tumakas. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.