Korean tour guide, nalunod sa Bora

PATAY ANG isang South Korean national matapos malunod sa Station 3 ng isla ng Boracay sa Aklan.

Kinilala ni PO2 Cyrus Parce ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang biktimang si Kim Ki Hu, 30-anyos na isa ring tour guide.

Sinasabing nag-i-scuba diving ang biktima nang ito ay malunod.

Natagpuan ng isa pang diver ang bangkay ng Koreano sa ilalim ng dagat na nakasuot pa ng snorkling mask at may mga patak ng dugo.

Bagama’t naisugod pa sa Boracay District Hospital, idineklara na itong dead on arrival.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may naganap na foul play.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.