Korean Superstar Lee Min Ho, dinagsa ng Pinoy fans ang meet and greet

GRABENG FEVER ang dala ng Korean Superstar na si Lee Min Ho, isa sa mga global ambassadors ng Bench. Dahil sa meet and greet nito sa mga press people, dumagsa ang ‘di mabilang na dami ng tao na nag-aabang kay Lee Min Ho sa Bench Tower na matatagpuan sa Bonifacio Global City.

May mga dala pang picture, poster at kung anu-ano pa ang Pinoy fans nito para maipakita ang pagmamahal at suporta sa kanilang idolo.

Tsika nga ni Lee Min Ho, ang mga fans niya ang kanyang everything. Turing niya sa kanila ay mga kaibigan at mababait na lovers at sila ang dahilan king bakit lagi siyang inspirado sa trabaho. Ang mga fans dito ay mas “passionate, good natured and exudes a lot of femininity.”

Pareho niyang gusto ang pag-arte at pagkanta. Mas naaliw siya sa instantaneous reactions ng fans ‘pag concert. Mas damang-dama niya ang pagmamahal nila kesa sa TV.

Say ni Lee Min Ho, ang pagiging Bench ambassador ay highlight ng kanyang career. Pangako niyang babalik at wish niya para sa mga fans, dapat lagi silang happy at alagaan ang kanilang health.

 

MAY MGA bagay raw na gustong i-improve ng magka-loveteam ng Got To Believe ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kaniyang sarili.

Tsika nga ni Kathryn about sa kung ano naman ang dapat i-improve ni Daniel, “’Yung unang-una talaga, ‘yung sa time po talaga. Inamin na naman niya. Kasi ayoko talagang naghihintay, ako ‘yung taong ayokonmg naghihintay. Kaya tuwing nale-late siya, super, ayun, nag-aaway kami dahil du’n.

“Pero ayun, nag-i-improve na siya ngayon. Hindi naman ‘yung away na sigawan. Ako kasi, tahimik lang, tahimik lang. Ganu’n din siya, ‘pag galit siya, parang tahimik lang kami. So mararamdaman or makikita na lang.”

Samantalang Kay Kathryn naman daw ay gusto raw nito na maging mas open-minded ang dalaga, ayon kay Daniel.

 

WAGI BILANG Honorable Mention para sa Best Supporting Actor category sa 16th Long Island International Film Expo (New York, USA) para sa kanyang hindi matatawarang pagganap sa pelikulang Oros ang ENPRESS Best Supporting Actor para rin sa nasabing pelikula si Kristoffer Martin, kung saan pormal na igagawad ang mga parangal sa July 19, 2013.

Mahigit sa 150 short at feature-length independent films ang kasali mula sa iba’t ibang bansa sa mundo ang nasabing festival.

Hindi makapaniwala si Kristoffer sa pagkilalang kanyang natanggap mula sa bumubuo ng Long Island International Film Expo. Itinuturing daw nito na napakalaking blessing sa kanya ang Oros. Dahil sa pelikulang ito kaya niya nakuha ang first major award niya, tapos ngayon Honorable Mention for the Best Supporting Actor category pa sa ibang bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Korean Superstar Lee Min Ho, dinagsa ng Pinoy fans ang meet and greet

  1. Mga artista koreano mukha mga bakla! mas mukha pa silang babae sa mga Korean actress na katambal nila. Kahit klan di ko Makita ang kaguapuhan at appeal sa mga yan…..kung di pa magparetoke di naman sila guapo! paslamat sila makikins at mapuputi sila. Ito naman ibang pinoy na tanga kahit kumakanta ng Korean song mag yan tili ng tili as if naiintindihan nila at kahit sa interview di marunong mag English ang mga pinoy namna tanga super tili as if alam nila ang sinsabi ng mga koreanong retokado.

  2. sumisikat din sila dahil sa pagiging illuminati nila. handa sila ibenta kaluluwa nila kay santanas para lang sa pagiging sikat. 

  3. EWAN KO HA, PERO YANG MGA KOREAN SUPERSTARS NA YAN NA DUMADAYO SA PINAS, PARANG MGA WA APPEAL. DI HAMAK NA MAS MA-APPEAL PA ANG MGA PINOY HUNKS. PARANG IISA LANG ANG MGA MUKHA NG MGA KOREAN STARS NA YAN. DEVAH?

  4. Mga binayarang Fans yang dumagsa sa kanya tarantado kang Fontanilla alamin mo kung sinong nagbayad jan at tsaka isulat mo sa column mo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.