Korean National, Nagtangkang Magpakamatay sa Piitan

NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY ang isang Korean national sa loob na kanyang detention cell sa Manila Police District (MPD).

Dinakip at nakulong si Kim Ok Ti, 39-anyos, dahil sa reklamong paninira ng ilang gamit sa loob ng isang hotel sa Maynila.

Ikinagulat naman ng mga kawani ng MPD ang tangkang pagpapatiwakal ng dayuhan gamit ang isang pakong ipinanaksak nito sa kanyang leeg.

Isinugod pa sa pagamutan ang Koreano na nagtamo ng sugat sa kanyang leeg.

Samantala, sasampahan ng malicious mischief resulting in damage to property ang naturang banyaga habang tinitingnan pa ng mga kinauukulan kung nasa impluwensiya ito ng droga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.