Korean lovers, nabiktima ng snatcher sa Bora

NABIKTIMA NG snatcher ang magkasintahang Korean national sa isla ng Boracay bandang alas-6:30 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa mga biktima na nakilalang sina Kim Dal Mi, 31, at boyfriend nitong si Kim Hyun, habang naglalakad sila pauwi sa kanilang tinutulu-yang hotel sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag sa isla, ay bigla na lamang may humablot sa shoulder bag na nakasablay sa balikat ng kanyang nobya.                                                                                                                                              Sinasabing may lamang mga alahas, $100 dollar, digital camera at ilang importanteng dokumento ang nakuhang bag.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang nasabing insidente at inaalam din ang pagkakilanlan ng snatcher.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.