Kontrobersyal ng Starstruck Graduates

Isa sa mga programang pinasikat ng GMA-7 ay ang reality-based artista search na Starstruck. Dito rin nanggaling ang ilan sa mga hinahangaan nating artista. Ang iba sa kanila ay sumikat ng todo-todo, pero karamihan ay nawala na lang ng parang bula at bumalik sa kani-kanilang normal na buhay.

Meron naman ibang iilan na hanggang ngayon ay napapanood pa rin natin sa telebisyon at pelikula at madalas din mabasa sa mga pahina ng Pinoy Parazzi. Ang dahilan? Ang sangkaterbang kontrobersiyang kinasasangkutan nila. Meron nang sumakabilang-buhay, may nabuntis at iniwanan ng jowa, may nasangkot sa sex scandal, may minolestya, may nabibiktima ng paratang ng mga nagiging girlfriend at may inaakusahang nammolestya.

Sinu-sino nga ba ang mga Starstruck graduates na tinutukoy ko? Kung inyong mapapansin, lahat sila ay hindi nawawalan ng trabaho, pero ang kapalit nga ba ng sobrang kasikatan ay kamalasan pagdating sa mga intriga?! Hmmmm…

By Mica Rodriguez
Photos By Luz Candaba, Marvin Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Wires Photos

loading...

One thought on “Kontrobersyal ng Starstruck Graduates

  1. oo nga sa lahat ng babaeng nalink kay mark puro dinedeny hahahaha naging sila ni marian pero kinakahiya ni marian

Leave a Reply

Your email address will not be published.