Kontra Sin Tax, Sumugod sa Mendiola

PINAGBABATO NG itlog ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)- NCR ang mga litrato ng mga senador na nagsusulong na maipasa ang Sin Tax bill.

Sa kanilang kilos-protesta sa Mendiola, sinabi ni BMP-NCR Secretary General Gie Relova na bahagi ito ng kanilang pagkondena sa Pangulo at mga senador dahil sa karagdagang pasanin na iniatang ng mga ito sa taumbayan dahil sa regresibo at ipinapasang katangian ng nasabing batas.

Ayon pa kay Relova, ang pagpirma ni P-Noy sa Sin Tax Law ang pinakamatindi nang pagkakasala nito sa mamamayang Pilipino.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.