Tago: Kontra si Kongresista

Mahilig daw yatang manood ng FPJ movies itong ating bida. Dahil kung umasta siya, tinatalo niya pa sina Romy at Paquito Diaz sa pagiging kontrabida.

Sa chika ng matinik nating Parazzi Chikadora, laman daw ng tsismisan ngayon ang isang solong itatago na lang natin sa pangalang “Kontratista.” Swak ang bansag na ito sa kanya dahil may kahiligan daw kasi s’yang kumontra.

Ang tsismis,kabilang siya sa isang grupo ng kongresista sa ating House of Reps. Dahil pare-parehong magaling (o nagmamagaling), hindi s’yempre maiwasang minsan, eh, magkaroon ng pagtatalo lalo pa’t batas o mahahalagang isyu ng ‘Pinas ang pinag-uusapan.

Kanya-kanyang taktika raw ang mga mambabatas para maisulong ang isyu nila. At kapag nagkakapukpukan na, dito umeepal ang ating bida para ipagtanggol ang grupong kinabibilangan niya.

Master of Kontrabida ang ating solon. Minsan nga raw, napauwi ng wala sa oras ang grupong kalaban ng grupo niya. Kasi ba naman, napakalakas lang nitong mang-asar na para bang mga elementary students lang kung tratuhin ang mga kaliga niya. Pero hirit ng mga miron, hindi na sila nagtataka. Kasi nga naman, ngiti pa lang daw ng ating bida, asong-aso na. Ano pa kaya ‘pag nagsimula na siyang mang-asar ‘di ba?!

Tsk! Kong na kontratista, ‘wag masyadong magpahalata ha…baka pati ilong ng amo mo, masipsip mo na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.