Kontra sa Sin Tax Bill, Nagprotesta sa Mendiola

MULING IPINANAWAGAN ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) kay Pa-ngulong Noynoy Aquino na huwag lagdaan ang Sin Tax Bill sa isinagawang rally sa Mendiola.

Ayon kay BMP Secretary General Gie Relova, abot-langit ang kanilang pagkondena sa naging desisyon ng bicameral conference committee na aprubahan ang halos P35 bil-yong target na kita sa dagdag-buwis sa sigarilyo at alak.

Taliwas aniya ito sa 1987 Constitution kung saan nakasaad na dapat paunlarin ang sistema ng pagbubuwis, hindi paburan ang regresibong sistema na lalong nagpapahirap sa taumbayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.