Kontra sa pag-a-abroad ni misis Alak con pesticide, nilaklak ng naburyong na mister

 

DAHIL sa pangambang wala nang pagmamahal at kaya siyang tiisin ng kanyang misis, isang mister ang nagpakamatay makaraang uminom ng alak na hinaluan ng pestisidyo sa Koronadal City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Jose Juares, 27 anyos ng Barangay Avancena. Nabatid sa imbestigasyon na labis na ikinasama ng loob ng biktima ang pagnanais ng kanyang misis na magtrabaho sa ibang bansa.  Tumindi ang kalungkutan nito nang kumuha ng passport ang kanyang misis at idinaan sa paglalasing hanggang sa may nagsabing may inihalo ito sa kanyang iniinom.

Ayon naman sa misis ng biktima na si Leng, ikinabigla na lamang niya ang pagpasok ni Juares sa kanilang kusina matapos ang matindi nilang pagtatalo. Huli na aniya ng kanyang nalaman na uminom pala ito ng lason makaraang nakitang nangingisay na at bumubula ang bibig.

Agad nila itong dinala sa ospital at sinubukang iligtas ng doktor ngunit binawian ito ng buhay dahil kumalat na ang lason sa kanyang buong katawan.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.