Kontaminadong Tubig, Sinusuri sa Pagkalason ng 53 Katao

POSIBLENG MAABSUWELTO ang nagluto ng pansit at spaghetti sa pagkalason ng 53 katao, kung saan apat ang na-confine sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa health authorities sa nasabing bayan, kanilang sinusuri ang nainom na tubig ng mga biktima na posibleng kontaminado dahilan para magkasakit ang mga ito.

Sinasabing pawang bisita ng birthday party sa Barangay Gapo, Daraga, Albay ang mga biktima habang nahalungkat din ng health authorities na may katulad na pangyayari sa lugar dalawang taon na ang nakalilipas, kung saan nakaranas din ng diarrhea ang karamihan sa mga residente sa lugar dahil sa hindi maayos na water source.

Ayon sa Albay Provincial Health Office, malala ang naging kaso noong nakaraan dahil na rin sa mayroong naitalang namatay.

Gayunman, kailangan

pang antayin ng mga doktor ang resulta nang isinagawa nilang laboratory test sa mga pasyente upang makasiguro kung ang kinaing spaghetti at pansit sa isang handaan o maruming tubig ang totoong rason ng kanilang pagkakalason.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.