Konsultasyon sa pagbalangkas ng IRR ng Cybercrime Law, sinimulan na

INUMPISAHAN NA ng Department of Justice (DOJ) ang konsultasyon para sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pinulong ng ahensiya ang ilang kinatawan ng Information and Communications Technology Office ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na sa pamamagitan ng konsultasyon ay malilinawan kung paano dapat ipatutupad ang nasabing batas.

Aniya, mahalaga na maging komprehensibo ang nilalaman ng IRR dahil ito ang magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng Cybercrime Law.

Base sa ilalim ng Section 28 ng batas, may 90 araw para maglabas ng IRR mula nang maaprubahan ang batas o ‘di kaya’y kapag naging pinal na ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Konsultasyon sa pagbalangkas ng IRR ng Cybercrime Law, sinimulan na

  1. WELL KAHIT NA ANG IRR AY HINDI MASOSLUSYUNAN NG PROBLEMADONG CYBERCRIME LAW NA IYAN NA SINUNGANDAHAN PA NI FATHER BERNAS FROM THIS LINK:***p://opinion.inquirer.net/37820/whats-frightening-about-the-cybercrime-law KAYA NOTOCYBERCRIME LAW AND PASS MCPIF BILL!

Leave a Reply

Your email address will not be published.