Konsulado ng ‘Pinas sa Canada, Nagbabala sa mga Nurse

NAGLABAS NG babala Philippine Consulate General sa Toronto laban sa sindikatong nagre-recruit ng mga nurse para magtrabaho sa ilang ospital dito.

Modus umano ng isang hiring agency sa Makati na maningil ng P4,000 para sa coaching interview ng mga nais maging nurse sa Shouldice Hospital at ilan pang ospital sa Toronto at Ontario. Bilang paghahanda diumano ito sa gaga-wing interbyu sa Canadian Embassy, ayon ito sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kinumpirma ito ng DFA sa mga tinutukoy na ospital, ngunit ayon sa kanila wala silang ahensya na kinomisyon upang kumuha ng mga nurse sa bansa.

Wala pang inilalabas na pangalan ng hiring agency ang DFA.

(PARAZZI REPROTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.