Konsehal, Todas; Hired Killer, Timbog

PATAY ANG isang Sangguniang Bayan member habang arestado sa checkpoint ang tatlong hinihinalang hired killers nito sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan Del Sur.

Kinilala ni PO3 Cena Panaligan ng Sta. Josefa PNP ang biktimang si Gregorio Plaza, Sr. SB member ng Sta. Josefa at nakatira sa Brgy. Tapaz.

Sa imbestigasyon ng PNP, nakaupo sa labas ng kanyang tindahan ang biktima dakong alas-5 ng hapon kamakalawa nang bigla na lamang umanong lumitaw ang isang kulay pulang motorsiklo sakay ang tatlong suspek at pinagbabaril ang nasawi.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek ngunit nasabat ang ito sa checkpoint.

Nagkaroon muna ng habulan bago tuluyang napasuko ang mga suspek sa bahagi ng Brgy. Kapatungan sa bayan ng Trento.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Duyan, 30, may asawa; Luisito Entic, 30, binata; at isang menor-de-edad na pinangalanan lamang sa alyas na Paul, kapwa mga residente ng Purok 5, Sitio Mabuhay, Brgy. Awao, Monkayo, Compostela Valley.

Nadiskubre mula kay Duyan ang isang 9-mm pistol at isang empty magazine, habang nakumpsika naman kay Luisito Entic ang isang homemade short firearm na may isang bala at limang bala ng 5.56 mm.

Tikom naman ang mga ito sa kanilang motibo sa pagpatay at kung sinong nasa likod ng kanilang pagpaslang sa SB member.     (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.