Konsehal, tiklo sa iligal na baril

 

INARESTO NG mga kinauukulan ang isang retired Philippine Army at councilor ng Pinukpuk, Kalinga dahil sa illegal possesion of firearms.

Nakilala ang salarin na si Councilor Pedro Mabanag, 55, residente ng Barangay Junction, Pinukpuk ng nasabing lalawigan.

Ayon sa Kalinga Provincial Police Office (PPO), nagsasagawa ng checkpoint operation ang nagtipong puwersa ng Kalinga Provincial Intelligence Branch, Provincial Public Safety Company office at Highway Patrol Team sa Sto. Marukdot, Junction , Pinukpuk, Kalinga nang dumaan ang motorsiklo na sinasakyan ng suspek.

Napag-alamang sinubukan ng salarin na bumalik sa kanyang pinanggalingan nang makita nito ang isinasagawang checkpoint ngunit agad itong pinigilan ng mga awtoridad. Nakuha mula kay Mabanag ang isang caliber .40 pistol at pitong bala ng baril.

Samantala, agad namang hinuli ng pulisya ang natu-

rang suspek, habang ang minamaneho nitong motorsiklo ay na-turnover sa Highway Patrol Group dahil nabigo itong ipakita na permit to carry firearms.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.