Konsehal ng Laguna, Tinambangan: Driver at Bodyguard, Todas; 2 Sugatan

PATAY SA pamamaril ang drayber at bodyguard ng konsehal ng Alaminos, Laguna.

Tinambangan ang sasakyan ni Councilor Lino Zuñiga sa Del Pilar St., Barangay Poblacion, Alaminos, Laguna, Lunes alas-10:45 ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Emerson Bris, drayber ng konsehal at bodyguard na si James Bris.

Nasugatan naman si Zuñiga na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita at braso.

Sugatan din ang isa pang sakay ng kotse na si Nelson Bris.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Alaminos Police, sakay ng asul na Mistubishi Lancer na may plakang UKG 333 nang sundan at pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at kotse.

Agad na nasawi ang drayber habang naisugod pa sa pagamutan ang bodyguard.

Ayon sa mga nakasaksi, bumangga pa sa concrete barriers sa gilid ng highway ang kotse ng konsehal.

Base pa rin sa imbestigasyon na 32 bala ang tumama sa sasakyan ng mga biktima.

Samantala, sinabi ng pulisya na inalis ng Pamilya Zuñiga ang anggulong pulitika sa motibo sa pamamaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.