Konsehal, naaktuhang nakikipag-oral sex sa binatilyo

NALAGAY SA ALANGANIN ang isang Sangguniang Bayan member sa bayan ng Pandan, Antique matapos mahuli sa akto na nakikipag-oral sex sa isang binatilyo.

Sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, nangyari ang insidente sa selebrasyon ng pista ng isang barangay sa nabanggit na bayan.

Sampung barangay tanod umano ang nakahuli sa dalawa habang naglilibot ang mga ito matapos ang ginanap na sayawan sa nabanggit na pistahan.

Unang inakala ng mga barangay tanod na lasing ang dalawa nang makita ang mga ito sa likod ng gym, kung saan nakaupo umano ang menor de edad habang nakaluhod naman ang SB member.

Ngunit nang lapitan na ng mga barangay tanod, kanilang naaktuhan na nag-o-oral sex pala ang SB member sa kasama nito na 15-anyos na binatilyo.

Nakatakda namang gisahin sa session ng Sangguniang Bayan ang hindi pinangalanang SB member at pinag-aaralan na rin ang pagsampa ng kasong administratibo laban dito dahil sa kanyang immoral conduct.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.